Monopolyo sa motorcycle taxi, hmmm…
- BULGAR
- Nov 18, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 18, 2022
BALIK-TRAPIK na naman.
'Yan na mismo ang normal.
◘◘◘
NAKAPUNDASYON ang pagrekober ng ekonomiya sa public transport sector.
Pero, marami ang walang kakayahang magbayad sa traditional taxi.
◘◘◘
NAGTITIIS ang mga obrero na magpalipat-lipat sa bus, dyip, tricycle o pedicab.
Mabuti na lang at nagkaroon ng inobasyon sa motorcycle taxi tulad ng Angkas, JoyRide at Move It.
◘◘◘
SA pinakahuling balita, may isang grupo na nagnanais maimonopolyo ang bagong inobasyon na kinopya sa “Habal-Habal” ng Bangkok.
Isinusulong ang batas upang mai-regulate ang operasyon ng motorcycle ride-hailing apps.
◘◘◘
NAKAHAIN na ang panukalang batas sa “Motorcycle-for-Hire Act.”
Pero nagbabahala ang Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente; at Citizen Watch Philippines, na maaaring maligwak ang Congressional probe.
◘◘◘
IPINAPAIN ang imbestigasyon sa investment deal sa pagitan ng Grab at Move It.
Pabor naman ang Department of Transportation at Philippine Competition Commission, pero itutuloy pa rin ng House Committee on Metro Manila Development ang pagdinig sa November 23.
◘◘◘
HINDI ba dapat ang House Committee on Transportation ang magsagawa ng pagdinig?
Inuupakan ang investment deal pero tila may minamanok pabor sa motorcycle taxi service.
◘◘◘
NAAAMOY natin nais lang ng isang grupo na monopolyo-hin ang inobasyong ito.
Maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay matagal nang tutol upang magkaroon ng opsyon ang mga konsyumer.
Ipagdasal nating magkaroon ng seryoso at maayos na batas hinggil dito para sa ikabubuti ng operators at komyuter.
◘◘◘
TAGUMPAY ang biyahe ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa iba't ibang bansa kabilang ang APEC sa Thailand.
Makatutulong ito sa pagrekober ng ekonomiya.
◘◘◘
GAYUNMAN, mahalagang mapababa pa rin ang presyo ng mga bilihin, magkaroon ng trabaho at mapasigla ang maliliit na negosyo.
Sana ay maganap ito bago mag-Pasko.
◘◘◘
UMATRAS na ang Russia sa sinakop na rehiyon sa Ukraine.
Makatutulong ito para mapababa ang mataas na presyo ng petrolyo.
◘◘◘
KINUMPIRMA ng US na hindi sinasadya ng Russia ang bomba na bumagsak sa Poland.
Naghahanda na ng giyera ang NATO pero isa itong “false alarm”.








Comments