top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Monkeypox, pasok na sa ‘Pinas — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | July 29, 2022




Nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sa isang briefing sa Malacañang, sinabi ni DOH Undersecretary Dr. Beverly Ho na ang pasyente ay nasa edad 31. Subalit, tumanggi naman siyang magbigay pa ng detalye tungkol sa pasyente kabilang na ang gender nito.


Ayon kay Ho, dumating ang pasyente sa bansa mula abroad noong Hulyo 19. Gayundin aniya, ang pasyente ay may nauna nang pagbiyahe sa mga bansa na may mga monkeypox cases, at na-test lamang para sa monkeypox nitong Huwebes, Hulyo 28.


“The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” pahayag ni Ho, na aniya ang DOH ay nakapag-record ng 10 close contacts ng pasyente.


Sinabi ni Ho na ang tatlo sa 10 close contacts ay kasama sa bahay ng pasyente. Subalit, ang mga naturang close contacts ay hindi pa nakikitaan ng anumang sintomas.


“No symptoms for the current close contacts, that's why they're all on quarantine, they're being observed,” saad ni Ho.


“All have been advised to quarantine and are being monitored by the Department,” aniya.


“The DOH assures everyone that our public surveillance systems are able to detect and confirm monkeypox cases,” dagdag pa ni Ho.


Pinayuhan naman ni Ho ang mga nagkaroon ng travel history sa mga bansa na may mga kumpirmadong kaso ng monkeypox at nakararanas na ngayon ng sintomas ng sakit na agad na magpatingin sa mga doktor at bigyan ito ng medikal na atensyon.


Ayon sa DOH, ang monkeypox ay isang virus na naipapasa o naita-transmit sa mga tao sa pamamagitan ng close contact ng isang infected person o hayop, o contaminated materials.


Isang viral infection na kahawig o resembling sa smallpox at unang na-detect sa mga tao noong 1970. Ang monkeypox ay tinatawag na less dangerous at contagious kumpara sa smallpox, kung saan nasugpo na ito noong 1980.


“The first symptoms can include a fever, headaches, sharp muscle pains, fatigue, a rash, as well as swollen and painful lymph nodes,” ayon sa isang Agence France-Presse explainer.


Noong Hulyo 23, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak – na nakaapekto ng halos 16,000 katao sa 72 bansa, batay sa isang tally ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) — bilang isang global health emergency, ang pinakamataas na alarma na maituturing.


Nasa 95 percent ng mga kaso ay na-transmit sa pamamagitan ng sexual activity, ayon sa pag-aaral ng 528 indibidwal sa 16 na mga bansa na na-publish naman sa New England Journal of Medicine.


Sa kabuuan, 98% ng infected individuals ay gay o bisexual men, habang tinatayang ang ikatlo ay nabatid na bumisita sa mga sex-on-site venues gaya ng sex parties o saunas nito lamang nakalipas na buwan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page