top of page
Search
  • BULGAR

Monkeypox case na sakay ng PAL flight patungong Hong Kong, ‘di Pinoy – DOH

ni Lolet Abania | September 9, 2022



Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na ang nai-report kamakailan na kaso ng monkeypox na sakay ng Philippine Airlines flight patungong Hong Kong ay hindi isang Filipino.


Sa press briefing ngayong Biyernes, ibinunyag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang pasahero ay isang foreign national.


“Ang binigay lang nilang datos sa atin basta sinabi nila na he is a foreign national. Ang isa lang na puwede kong i-disclose sa inyo because I cannot give you kung ano ‘yung nabasa lang natin sa diyaryo. Kailangan ma-confirm namin through an official report to us by the Ministry of Hong Kong. One thing I can assure our Filipinos [is] that hindi siya Pinoy, hindi siya Filipino,” giit ni Vergeire.


Ayon kay Vergeire, ang nasabing pasahero ay nag-travel mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Canada at ang United States bago dumating sa Pilipinas.


Gayunman, sinabi ng kalihim na ang pasyente ay nagpakita ng mga sintomas nang dumating na ito sa Hong Kong.


Binanggit naman ni Vergeire na natukoy na ng DOH ang mga naging close contacts ng foreign national at mahigpit na mino-monitor nila ang mga ito.


“We were able to look at the itinerary at tiningnan natin ‘yung manifest ng eroplano at nakapag-identify tayo ng mga close contacts. ‘Pag sinabi nating close contacts dito this is because the proximity of that individual with the passengers not specifically nadikit sila o nagkaroon talaga ng ebidensya na sila po ay nagkaroon ng interaksyon sa individual na ito. We are closely monitoring them but up until now asymptomatic po lahat ng mga tao,” paliwanag ni Vergeire.


Una nang sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na ang nasabing pasahero ay sakay ng PR300 noong Setyembre 5.


Pinayuhan din ni Villaluna ang mga pasahero ng naturang flight na i-monitor ang kanilang mga kondisyon at agad bigyan ng medikal na atensyon sakaling makaranas ng mga sintomas.


Inanunsiyo naman ng mga health officials ng Hong Kong ang kanilang kauna-unahang kaso ng monkeypox ay isang 30-anyos na lalaki na nag-travel sa kanilang lugar at nagpakita ng mga sintomas sa isinagawang hotel quarantine.


“He showed symptoms such as skin rashes, swollen lymph nodes and a sore throat in the week leading up to his hospitalization,” saad ng health officials ng Hong Kong.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page