top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Modus sa Agri, buking na buking na, namamayagpag pa rin, saklap!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2023
1 min read

@Editorial | Pebrero 16, 2023


Hiniling ang pagbuo sa Anti-Agricultural Task Force at Anti-Smuggling Court para matuldukan na ang mga kartel na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong-agrikultural.


Ang nasabing panukala ay kabilang umano sa mga hakbang para matigil na ang agricultural smuggling sa bansa.


Sa isinagawang pagdinig sa Senado, nabulgar na binili ang mga sibuyas ng mga magsasaka ng P8 hanggang P15 kada kilo lamang, subalit umabot sa P750 na kada kilo ang presyo kapag binili sa palengke.


Kabilang din sa rekomendasyon ang pag-amyenda sa RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 para maisama na ang profiteering at hoarding, bukod sa smuggling sa kasong economic sabotage.


Ito ang modus operandi na talamak mula noon hanggang ngayon at ang biktima, ang taumbayan pa rin, lalo na ang mga magsasaka.


Ganito kalala ang gawi ng mga ganid na negosyante na sindikato na ring maituturing. Ang mas masaklap, ang sinasabing pakikipagsabwatan pa ng mga nasa gobyerno.


Isa pa, buking na buking na ang maruming kalakaran, pero namamayagpag pa rin ang mga abusado at korup. Wala pa ring napaparusahan.


Kailangan nang kumilos ng pamahalaan, hangga’t may isang bulok sa puwesto, sira ang sistema at mahahawa pa ang iba.


Panawagan sa kinauukulan lalo na kay Pangulong Bongbong Marcos na siya ring kalihim ng Department of Agriculture, kumilos na tayo, kalusin na ang mga dapat kalusin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page