Bumisita sa GF... 17-anyos, kinuyog ng 12 kabataan

ni iBRT @News | September 27, 2026

Photo: CCTV / Circulated
Isang 17-anyos na binatilyo ang kinuyog ng nasa 12 kabataang lalaki sa Brgy. Cogon Pardo, Cebu City.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang biktima na nakaupo sa gilid ng daanan nang dumating ang grupo ng mga kabataang lalaki at tila pinaligiran siya.
Kinausap muna ng grupo ang biktima pero hindi nagtagal ay pinagsusuntok na siya at may sumipa pa.
Natigil lang sa pambubugbog nang may residenteng lumabas para sitahin sila.
Nai-report na sa barangay ang insidente at pinatatawag ang mga kabataang nanakit sa biktima.
Napag-alaman na residente sa ibang lugar ang binatilyo at binisita lang ang kanyang nobya sa nasabing barangay.





Comments