Moderne Cong hebigat sa paglarga sa SLLP
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 2, 2022
Markado si Moderne Cong pagsalang niya sa Condition Race Merged na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B Guce, makikilatis ang tikas ni Moderne Cong laban sa anim na tigasing kabayo sa distansyang 1,500 meter race.
Maliban kay Moderne Cong, ang ibang kasali ay sina Heroesdelninetysix, Cincepcion, Mandatum, Messi, Sky Dancer at It's A Deal.
Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media, posibleng maging hadlang sa asam na panalo ni Moderne Cong ay sina Heroesdelninetysix at Messi. "Kay Moderne Cong ako lalagay, tingin kong magiging kalaban ay sina Heroesdelninetysix at Messi."
Tiyak din na aabangan ng mga karerista ang carry over sa winner take all na magsisimula sa pangalawang karera.
Paniguradong mahihirapan ang mga karerista sa pagpili sa race 2 dahil nasa 14 na kabayo ang tatakbo. "Para malaki ang chance na makaisang puntos agad dapat apat na kabayo ang piliin," komento ni Rhenan Crisostomo, karerista.
Magtatagisan ng bilis sa Philracom Rating Based Handicapping System ay sina Beyond D' Sea, Princess Serena, Ace Up, Miss Aruba, Yabba Dabba Doo, Heritage, Irene's Dream, Sagitsit, Kingwash Rebuilt, Kipitaki, Spunk Attack, Pulido, Thunder Maxx at Trust Worthy.
Nakalaan ang added prize na P15,000 para sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 ang ibubulsa ng winning horse owner.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Moderne Cong (6), Messi (3)
Race 2. Spunk Attack (11), Sagitsit (8), Ace Up (3)
Race 3. Lauriatisimo (3), Aroma (1), King Hanz (5)
Race 4. Breaking News (3), Kentucky Rain (10), Amelia (9)
Race 5. Tazama (2), Hook On D Run (1), El Mundo (6)
Race 6. My Dear Magnolia/Lucky Noh Noh (2/2A), Jambo (9), Happy Juliane (8)
Race 7. Great Year (4), Sekretong Malupit (7), Hook D Dancer (1)
Race 8. Cherubum/Bahandi (8/8A), Birthright (5), Silver Signature (1)
Patok - Moderne Cong
Pandehado - Sekretong Malupit





Comments