top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Modern farming, fisheries, ilapit at ipaunawa sa mga kabataan

BULGAR
Jan 14, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 14, 2023


Sa lawak at yaman ng ating kalikasan, madalas ay napapaisip tayo, bakit kaya marami pa rin ang nagugutom? Bakit kinakapos pa rin tayo sa suplay at napipilitan pang mag-import?


Katulad ng sunud-sunod na problema sa suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin. Sinimulan sa asukal, sinundan ng sibuyas at ngayon, itlog naman.


Kailangang mas matutukan ang usaping ito para hindi na mangyari nang paulit-ulit at panahon na para hikayatin habang maaga ang mga kabataan na alamin ang kalagayan ng ating kabuhayan.


Sa ngayon, may inihain nang panukalang batas na layong himukin ang mga kabataan na matutunan ang kahalagahan ng agriculture, fisheries, forest at marine conservation maging ang management at ecology.


Para maisakatuparan ito, ang Department of Education (DepEd) ang inaasahang magiging daan para maitawid ang mga programa, partikular sa elementarya at hayskul sa ilalim ng K-12 curriculum, sa lahat ng public at private schools sa bansa.


Ang DepEd din ang magsu-supervise at magkokontrol sa pagpapatupad ng programa sa ilalim ng naturang panukalang batas.


Nakasisiguro naman tayo na kung magiging maayos ang pagtuturo, magiging interesado rin ang kabataan na aralin ang agrikultura na magiging solusyon sa gutom at krisis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page