top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

MMFF MOVIES, 'DI TATANGGALIN SA SINEHAN HANGGANG MATAPOS ANG FESTIVAL

BULGAR
Dec 17, 2022
2 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 17, 2022




Touched kami sa gesture ng mga baguhang producers na sina Direk Lino Cayetano, Direk Philip King at Ms. Carol Lopez na sumugal sa pelikulang Nanahimik ang Gabi na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado.

To think kasi na kaliit-liit pa at nagsisimula pa lang ang kanilang Rein Entertainment production outfit at in fact, ito ngang Nanahimik ang Gabi ang kanilang first-produced MMFF entry, nagpatawag pa sila ng lunch get-together sa ilang piling press people kahapon para iparamdam ang kanilang pagpapahalaga sa malaking tulong ng media para umingay ang kanilang pelikula.


Todo-thank you din sina Direk Lino at Direk Shugo Praico na direktor ng Nanahimik ang Gabi sa magagandang feedback ng press people na nakapanood ng trailer ng movie at sa suporta sa kanilang pelikula.


Sa chikahan namin sa kanila kahapon, nabanggit ni Direk Lino na bagama't ngayon pa nga lang sila sumali sa MMFF, ikinatutuwa nila ang assurance na ibinigay sa kanila ng MMDA at MMFF committee na malakas o mahina man sa takilya ang kanilang entry, hindi ito tatanggalin sa more than 100 cinemas sa loob ng 7 araw.


Malaking tulong nga naman ito sa mga maliliit na producers na gaya nila dahil mas maraming makakapanood ng kanilang pelikula sa mas mahabang panahon na ibibigay sa kanila.


Well, isa ang Nanahimik ang Gabi sa mga ngayon pa lang ay pinag-uusapan na sa social media dahil sa kakaibang suspense-thriller na hatid ng pelikula nina Ian, Heaven at Mon.

Umaasa nga ang Rein Entertainment na tangkilikin ang kanilang pelikula at ang iba pang entries sa MMFF nang sa gayon, magtuluy-tuloy ang kanilang pagpoprodyus ng mga movies na de-kalidad at puwedeng ilaban at kilalanin globally.


Pag-amin nga ni Direk Shugo, bukod sa Nanahimik ang Gabi na sabi niya, sana ay mapabilang sa Top 3, gusto rin niyang panoorin ang Deleter ni Nadine dahil idol niya si Direk Mikhail Red, at gayundin ang Family Matters na pampamilya ang tema.


Well, let's all wish na sana nga, dumugin uli ang mga sinehan sa Pasko nang muling sumigla ang movie industry.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page