top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MMFF Best Actress, bagong paborito ng Kapamilya Network… CHARLIE, SWAK NA DARNA PALIT KAY JANE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2021
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 10, 2021




Trulili kaya na wala pang makuhang direktor para sa Darna series ni Jane de Leon kaya inilagay muna siya sa FPJ’s Ang Probinsyano?


Bukod sa wala pang makuhang direktor ay mahirap pa ring mag-shoot sa panahon ng pandemya dahil nga limitado ang mga tao sa set, eh, alam naman natin ang Darna, maraming talents para sa big scenes.


Anyway, naitsika sa amin ng aming reliable source na siya ring nagsabi sa amin noon na shelved na ang Darna movie na dahil sa pandemya, bukod pa sa lumobong budget nito, ay muling inaawitan si Direk Jerrold Tarog para siyang magdirek ng action-fantasy series ni Jane, pero tumanggi raw ang direktor dahil nga may iba itong pinagkakaabalahan ngayon.


Maganda nga naman kung si Direk Jerrold pa rin sana para ‘yung ibang eksenang nakunan na sa pelikula ay puwedeng isama sa series para makatipid, pero magalang naman itong tinanggihan ng direktor.


Sitsit din sa amin, “Actually, matagal pa ‘yang series ni Jane kasi malabong mag-shoot talaga now, alam mo naman. If ever ituloy ‘yan, siguro, mga 2 years pa.”


Hala, ganu’n katagal? Advance publicity lang para malaman ng tao na si Jane pa rin talaga ang gaganap na Darna kasi nga, may mga naglalabasang bagay din ito kay Charlie Dizon na isa sa alagang-alaga ngayon ng ABS-CBN/Star Cinema matapos nitong manalong Best Actress sa MMFF 2020 via Fan Girl.


Para sa amin ay mas okay na si Jane bilang Darna at gawin na lang kontrabida si Charlie, tiyak na patok ‘yun.


At kaya pala may lumabas ding isyu na depende kay Coco Martin kung kailan lilipad si Darna na ang intindi namin ay dahil nasa Ang Probinsyano siya at ayaw pang tapusin ang journey ni Cardo Dalisay.


Basta tuloy si Darna kesehodang abutin pa ng taong 2030 bago ito simulan. (Hala, 'wag naman! Baka naman "Lola na si Darna" na ang maging title niyan! Lol! — JDN)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page