ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 2, 2024
HUMAN RIGHTS VIOLATIONS SA MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON, DAPAT IMBESTIGAHAN DIN -- Nagsulong si Davao City Rep. Paolo Duterte ng resolusyon na imbestigahan ng Kongreso ang human rights violations na naganap sa bansa sa nakalipas na 25 taon.
May dahilan si Cong. Paolo na magsulong ng ganitong resolusyon kasi unfair naman ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng Kongreso na ang human rights violation na naganap lang sa panahon ng kanyang amang si ex-P-Duterte ang iniimbestigahan ng mga kapwa niya kongresista, gayong may mga human rights violation din namang nangyari sa administrasyon ng mga nakaraang presidente.
Sakaling dedmahin ng majority congressmen ang hirit na ito ni Cong. Paolo ay lalabas na pinepersonal lang ng mga pro-Marcos congressmen ang kanyang ama kaya’t ang iniimbestigahang human rights violation ay iyong naganap lang sa panahon ng nakaraang Duterte administration, period!
XXX
GINAGAWA PALANG ESCORTS NG MGA PULITIKO ANG MGA MMDA TRAFFIC ENFORCER, KAYA KAUNTI NA LANG ANG NAGTATRAPIK SA KALSADA -- Dalawang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagsisilbing escorts ni Sen. Francis Tolentino, ang inaresto ng mga otoridad dahil sa unauthorized na paggamit ng Philippine National Police (PNP) sticker insignia sa kanilang mga motorsiklo, gayong hindi naman sila mga pulis.
Hay naku, kaya naman pala kakaunti na lang ang mga MMDA traffic enforcer na nagmamantine ng trapiko sa kalsada kasi ginagawa pala silang escort ng mga politician, buset!
XXX
BAKA SANGKATERBANG ‘NANAY’ ANG LUMANTAD AT UMAKONG ANAK NILA SI MAYOR ALICE GUO -- Paniwala ng mga senador ay Chinese national ang ina ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, pero iginiit ng mayora na Pinay daw ang kanyang ermat at dahil diyan ay nanawagan ang alkalde sa kanyang nanay na lumantad na para patunayang siya (Mayor Alice) ay Filipino-Chinese at hindi purong Chinese.
Naku, eh sa rami ng pera ni Mayor Alice ay baka sangkaterba ang lumitaw at magsabing sila ang nanay ng mayora, boom!
XXX
PALUBOG NANG PALUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS SA PANAHON NG ‘BAGONG PILIPINAS’ NI PBBM -- Isinapubliko ng Bureau of Treasury (BOT) na pumalo na sa higit P15.02 trillion ang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institutions sa mundo.
Ang utang ng ‘Pinas ay palaki nang palaki at hindi nababawasan.
Iyan ang nakalulungkot na katotohanang nangyayari sa bansa, na sa ilalim ng slogan na
“Bagong Pilipinas” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), palubog nang palubog sa utang ang ‘Pinas, tsk!
Comments