top of page

Mister ni Maine, todo-deny… CURLEE DISCAYA, IPINASOSOLI KAY CONG. ARJO ANG P60 M NA KINUHA RAW NG PADIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 10, 2025



Cong. Arjo Atayde at Curlee Discaya - FB, Senate PH

Photo: Cong. Arjo Atayde at Curlee Discaya - FB, Senate PH



Parami nang parami ang mga pasabog sa ginaganap na pagdinig sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


At mukhang handang ibulgar ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang lahat ng mga nalalaman nila sa mga pulitikong nabigyan daw nila ng pera.

Siyempre, sa showbiz, matunog ang pangalan ni Quezon City Representative Arjo Atayde.


Pagkatapos isama ang pangalan niya sa listahan ng mga naka-deal daw ng mga Discaya sa mga anomalous government projects, nagkuwento pa si Curlee na gusto niyang bawiin ang perang ibinigay niya diumano kay Cong. Arjo na nagkakahalaga ng P60 million.


Sinubukan daw nina Curlee at Sarah na alamin kung may tutulong sa kanila na mga pulitiko at DPWH heads na nabigyan daw nila ng pera via text messages.

Kuwento ni Curlee sa ginanap na hearing sa Senado, “For example po, ‘yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale P60M po ang sinabi ko sa chat ko kasi P60M po ‘yung ipinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay n’ya.


“Nakiusap po ako. Utang po ang tema ng dating ko, pero ipinapasauli ko po ‘yung mga kinuha sa akin. Lahat po, itinext ko sila lahat. Napakarami po nila.”


Naglabas na ng reaksiyon si Cong. Arjo Atayde na never siyang nakipag-deal sa mga Discaya at never daw niyang ginamit ang kanyang posisyon for personal gain.

Kaya ano ang isosoli kung walang kinuha? Kung meron man, paano isosoli?






NA-HAPPY kami na napasama ang pelikula ng direktor na si GB Sampedro sa limang napili para sa full-length category sa nalalapit na Sinag Maynila Independent Film Festival 2025.


Ang movie ni Direk GB na isa sa mga official entries sa 2025 Sinag Maynila ay ang Selda Tres (ST). Bida rito sina Carla Abellana, JM de Guzman at Cesar Montano.


Kasama rin sa cast ng ST sina Arron Villaflor, Kier Legaspi, Victor Neri, Isay Alvarez, Jeffrey Tam, Johnny Revilla, Perla Bautista, Mickey Ferriols, Jong Cuenco, Jim Pebanco, Rubi Rubi, Donna Cariaga, Lotlot Bustamante, Rolando Inocencio, Don Umali at Claire Ruiz.


Pahayag ni Direk GB, “Karamihan ng mga artista kong kasama rito sa Selda Tres, mga nakasama ko na rin sa iba’t ibang proyekto. Kumbaga, hindi na naging mahirap ‘yung pag-convince sa kanila, as long as siguro mai-pitch mo nang maayos ‘yung pelikula.


“Na makita nila na may katuturan ‘yung gagawin nila sa pelikula, I don’t think naman na kahit mainstream o kahit hindi mainstream na actor, ‘yun din ang hinahanap nila para gampanan ang isang papel sa isang pelikula. ‘Yung may katuturan, at kumbaga parang nakikita nila ang sarili nila, ‘O, gusto kong gawin ito.’


“As long as mai-present mo sa kanila nang maayos ‘yun, I think naman walang naging problema.”


For its 17th edition, Sinag Maynila Film Festival (SMFF) is making its much-awaited comeback this September 24–30, 2025. 


Founded by Solar Entertainment President Wilson Tieng together with Cannes Best Director Brillante Mendoza, the festival continues to champion its mission of showcasing stories that reflect uniquely Filipino experiences while reaching global audiences.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page