Mister ni Maine, after mag-deny na nakipag-deal… PIKTYUR NI ARJO KASAMA ANG DISCAYA COUPLE, KUMALAT
- BULGAR

- Sep 10
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 11, 2025

Photo: Arjo at mga Discaya - Circulated
Mariing itinanggi ni Quezon City Representative Arjo Atayde na siya ay isa sa mga nakinabang sa government flood control project scheme.
Kailanman ay never daw siyang nakipag-ugnayan sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, ang mga kontratistang sangkot sa isyu.
Depensa ni Cong. Arjo, “Hindi ko kailanman ginamit ang aking posisyon para sa pansariling pakinabang, at hindi ko kailanman gagawin. Gagamitin ko ang lahat ng mga remedyo sa ilalim ng batas upang linisin ang aking pangalan at panagutin ang mga nagkakalat ng mga kasinungalingang ito.”
Nakasentro ang kontrobersiya sa isang litratong kumakalat sa social media na nagpapakitang kasama ni Atayde ang mag-asawang Discaya.
Ipinaliwanag ng kinatawan na isang beses lamang silang nagkaharap ng mag-asawang Discaya noong 2022, nang bumisita ang mga kontratista sa kanyang opisina sa distrito.
Nilinaw ni Atayde na ito ay isang maikling engkuwentro, na binubuo ng simpleng “Hi, hello,” at picture-taking session, na walang talakayan tungkol sa anumang proyekto ng gobyerno.
Binigyang-diin din niya na ito ang una at huling beses na nagkita sila.
Aba, eh, kung ire-rewind, si Cong. Arjo ay baguhan pa lang sa pulitika that time. Imagine, 2021 nang maupo siya bilang congressman ng District 1 ng Quezon City. Parang unbelievable naman na idadamay nila ang actor-politician sa ginagawa nilang katiwalian.
Sabi nga ni Cong. Arjo, maigsi lang ang kanilang pagtatagpo, ibig sabihin, nagpa-picture lang ang mag-asawa kay Arjo dahil isa siyang sikat na aktor.
Okey, sabihin na rin na na-amazed sila dahil first time na pumalaot sa pulitika ang aktor. Para nga lang nilang niyaya ang aktor na magpakuha kay Arjo dahil tingnan naman ninyo ang pose nila sa larawan.
Wala na lang sigurong ibang maituro ang mag-asawa na guilty sa kanilang ginagawa kaya naghanap ng karamay. Nakita nila ang kanilang larawan with Cong. Arjo kaya iyon ang ginawa nilang basehan.
Nakakadismaya ka, Discaya.
Anyway, keep it up, Cong. Arjo! Ituloy mo lang ang pagtulong sa iyong constituents. Marami ang nagmamahal at naniniwalang malalampasan mo ang isyung ibinabato sa ‘yo.
BINIRO ni Senator Rodante Marcoleta si Senator Jinggoy Estrada sa Senate hearing. Hindi nagustuhan ni Sen. Jinggoy ang biro ng kanyang kapwa senador.
Nangyari ito nang ituloy nila ang hearing patungkol sa anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
Habang tinatanong nila si Curlee Discaya, mister ni Sarah Discaya, tinanong ni Sen. Jinggoy kung wala bang senador sa listahan niya ng mga umano’y nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng kanilang construction company.
Agad itong sinagot ni Curlee, “Your Honor, wala po.”
Agad namang sinundan ng biro ni Sen. Marcoleta at sinabi kay Sen. Jinggoy, “Safe ka na.”
Tila nabigla si Sen. Jinggoy sa biro ni Sen. Marcoleta. Nagtawanan ang mga nasa hearing ngunit halatang hindi natuwa si Jinggoy sa naging biro ng kapwa senador.
Aniya kay Sen. Marcoleta, “You know, I resent that statement, Mr. Chair. I resent it. Mr. Chair, I move that you strike off the record of that statement.”
Agad namang sinabi ni Marcoleta na ito ay biro lamang.
Ang siste, kinabukasan lang, idinawit naman ang pangalan ni Sen. Jinggoy at kasama pa si Sen. Joel Villanueva sa ginanap na House InfraComm hearing bilang diumano’y nakinabang din sa flood control projects.
Si Bulacan Assistant District Engr. Brice Hernandez ang nagbanggit sa pangalan nina Estrada at Villanueva, na agad din namang pinabulaanan ng dalawang senador at nagbanta pang kakasuhan ang engineer.
NAGPAALAM na si Kim Domingo sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ). Pinatay na ang kanyang karakter bilang si Madonna.
Mahigit isang taon ding tumagal ang Kapuso actress sa aksiyon serye ni Coco Martin. Binigyan ng moment ni Tanggol ang pagkamatay ni Madonna sa serye, niyakap niya nang mahigpit ang aktres na tanda ng mga kabutihang nagawa sa kanya nito na hanggang sa huli ay hindi siya iniwan.
Pagbabahagi ni Kim, “Very happy ako na napunta ako sa role na ‘to, ni Madonna.”
Ayon sa kanya, ang proyekto ay in-offer sa kanya sa tamang oras. Gusto raw talaga niyang mapasama sa BQ at wala siya sa posisyon para tanggihan ang role ni Madonna dahil big chance na raw iyon.
Aniya, “Sino ba namang ayaw na mapasama sa Batang Quiapo na show, at s’yempre, makasama ang isang Direk Coco Martin?”
Nagpapasalamat si Kim sa buong team. Marami raw siyang natutunan, lalo na sa paggawa ng mga action scenes.
“Hindi ko na-imagine na makakaeksena kita. Hindi sumagi sa isip ko na makakasama kita sa isang proyekto. Sana, hindi pa ito ang huling pagsasama natin,” wika ni Kim.
Sa pagkawala ni Kim, papasok naman ang karakter ni Maris Racal.
Ang tanong, ano kaya ang magiging role ni Maris sa BQ? Abangan!








Comments