Mister ni Jennylyn, nega pa rin dahil sa 'banat' sa ABS-CBN… PAMUMUDMOD NG AYUDA, PAMPAPOGI LANG DAW NI DENNIS
- BULGAR
- Jul 27, 2024
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 27, 2024

Ibinalik nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang StarTruck PH para makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
Nanawagan sila ng donations at mabilis na nag-donate ang ating mga kababayan.
Ang maganda sa StarTruck PH nina Dennis at Jennylyn, pati mga pet ay kanilang tinutulungan.
Pinasalamatan ni Jennylyn ang mga animal lovers at advocates na nagpadala ng donasyon. Kasama ring pinasalamatan ng aktres ang isang pet store na nag-donate ng pet food at tumulong pa sa pagpa-pack ng relief goods.
Tumatanggap din ang StarTruck PH ng cash donations at sila na ang bibili ng mga goods na kailangan ng mga kababayan natin. Dininig ang panawagan ni Jennylyn na, “Magtulung-tulong po tayong muli para sa ating mga kababayan.”
Hindi lang maiwasang may mga nega na tao at iniisip na pampabango o pampapogi lang sa image ni Dennis ang ginagawa nila ni Jennylyn. Nagalit kasi ang ibang mga netizens sa akala nila'y comment ng aktor laban sa ABS-CBN.
Ipinaalam naman ng ilang nagtanggol sa mag-asawa na matagal na nila itong ginagawa at tuwing may kalamidad, tumutulong sila gamit ang platform.
In fairness, mas marami naman ang natuwa at nagpasalamat kina Dennis at Jennylyn sa effort nilang makatulong. Noon pang 2020 nila inumpisahan ang StarTruck at hindi ngayon lang at hindi dahil sa nagkaroon ng isyu si Dennis.
And speaking of Dennis Trillo, makakasama nito sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones. Kasama rin sa cast sina Kokoy de Santos, Royce Cabrera, Sofia Pablo at Ronnie Lazaro.
Si Zig Dulay ang director ng pelikula.
Jed, biniktima rin… 'JOLINA', HUMIRIT NG DATUNG KAY ICE, IBINULGAR SA SOCMED

Kabilang si Ice Seguerra sa mga gustong biktimahin ng nagpanggap na Jolina Magdangal na nanghihingi ng pera para raw sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
Gamit pa ang photo ni Jolina, nagtawag ang scammer sa mga kaibigan ng aktres dahil nagko-collect daw siya ng funds para sa mga victims ni Carina.
Ginamit din ng scammer ang husband ni Jolina na si Mark Escueta at si Melai Cantiveros. Pupunta raw sila sa Marikina para maghatid ng tulong.
Agad ipinost ni Ice ang natanggap na message ng fake na Jolina.
“Posting this because someone’s using Jolina’s name asking for funds. Buti na lang, nakausap ko agad si Mark Escueta and na-confirm ko na ginagamit lang ang pangalan ni Jolina. Ingat kayo,” post ni Ice.
Pati pala si Jed Madela, na-message rin at hiningan ng pera. Hindi nito nabanggit kung nagbigay siya o gaya ni Ice ay nag-check muna.
Kaya sigaw ni Jolina Magdangal, “SCAMMER!!! PLEASE SA LAHAT.”





Comments