top of page
IG alfredvargasofficial.jpg

Mister ni Heart, tinawag na duwag… CHIZ, NATAKOT DAW MAKULONG, JOIN NA SA MINORITY BLOC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | june 4, 2026



Chiz Escudero

Photo: Chiz Escudero / File



Speaking of ‘duwag’, ‘yan ngayon ang bansag o kantiyaw ng mga netizens sa mister ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero dahil sa pagsulpot nito sa Senado kahapon (Wednesday) at pagsapi sa hanay ng minority block.


Dahil nga hindi sumisipot sa Senate ang majority block sa pamumuno ni Sen. Alan Peter Cayetano, hindi mabuo-buo ang ‘quorum’ para gawin na nila ang mga dapat na ginagawa.


Pero ayon nga raw sa ruling ng Senado, maaari pala silang mag-elect ng Senate Pro-tempore at naganap nga iyon kahapon with Sen. Sherwin ‘Win’ Gatchalian presiding.


Hindi naman daw matatawag na another ‘coup’ ang nangyari dahil si Cayetano pa rin ang Senate President, kaya lang nagbibigay naman iyon ng powers para kanselahin at palitan nila ang existing chairmanship sa mga Committees under SP Cayetano, kasama na ang Blue Ribbon Committee at mga sergeant-at-arms at secretary ng Senado.


Ang ending, hayun, bigla ngang may mga bagong chairman ang lahat ng Committee sa Senado at nangyari iyon dahil sa pagkampi ni Chiz sa minority na ngayo’y may bilang nang 12 senators namely: Gatchalian, Sotto, Zubiri, Hontiveros, Ejercito, Pangilinan, Aquino, Lacson, Lapid, Tulfo brothers at si Chiz nga.


Mabilis na nag-viral ang pagtawag ng marami kay Chiz na ‘duwag’ o natatakot na marahil na makulong dahil sa involvement nito sa flood control controversy, gaya ng nangyari kay Sen. Jinggoy Estrada.


May mga humanga at nagtanggol naman kay Escudero dahil finally daw ay mas binigyan nito ng timbang ang status ng bayan kesa sa kung sinu-sino lang daw na mga lider kuno na mga interes lang nila ang pinoprotektahan.


Hay, grabe, pero may nasagap din kaming tsismis na diumano’y hindi sumipot si Heart Evangelista sa taping ng kanyang bagong game show na The People Have Spoken (TPHS) sa GMA-7 dahil bigla itong nagkaroon ng ‘anxiety attack’ at marahil takot na ring matanong pa hinggil sa ginawang desisyon ng kanyang mahal na esposo.


Marami pa talagang aabangan ang sambayanan sa mga drama ngayon sa Senado. Hahaha!





HINDI na pinangalanan ng aming source kung sino sa anim na hosts ng YSpeak 2.0 ang hindi nakadalo sa ipinatawag na meeting ng Caritas Manila, ang producer ng show, upang plantsahin ang nangyaring gusot sa show kamakailan.


Matatandaang naglabas ng official statement si Fr. Tito Caluag kaugnay ng naganap na ‘pag-take down’ ng kanilang ika-apat na episode na nagdulot ng isyu sanhi ng guesting ng YouTuber (YTr) na si Christian Esguerra.


Ayon sa statement, si Fr. Caluag bilang producer ng show ang nag-decide na huwag itong i-upload sa main platform. 


Paliwanag niya, “There are internal editorial guidelines and basic values of Caritas Philippines I needed to consider.”


Bukod pa riyan, may iba pa umanong mga factors and considerations na kailangang gawin kaya raw miniting nila at in-inform ang mga hosts dahil na rin sa bashing na natatanggap nila bilang diumano’y nag-play safe, duwag at may pinoprotektahan?


Ang anim na hosts ng show ay sina Elijah Canlas, River Joseph, Ralph de Leon, KD Estrada, Robbie Jaworski at Aya Fernandez. Dalawa raw sa mga ito ang hindi nakadalo pero na-inform naman sa naging desisyon ng producer.


Ang tsismis lang kasi, diumano ay tila hindi pabor ang dalawang hosts na nabanggit sa ginawa ng show lalo’t naniniwala raw ang mga ito sa prinsipyo ng malayang pamamahayag at demokrasya.


Hmmm… sino kaya ang dalawang iyon? Nakaka-curious naman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page