top of page

Mister ni Heart, binanatan… ROMNICK: SEN. CHIZ, NAIINTINDIHAN BA ANG TUNGKULIN NIYA BILANG SENATE PRES?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 8
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 8, 2025



Photo: Chiz Escudero at Romnick Sarmenta - IG


Binanatan ni Romnick Sarmenta si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa X (dating Twitter) kahapon. 


For the past weeks ay inulan ng batikos si Sen. Chiz sa social media mula sa mga netizens. May kinalaman ito sa pagdinig ng impeachment case kontra kay Vice-President Sara Duterte.


Naiinip na ang mga netizens, pati na rin ibang mga pulitiko at kapwa-senador ng mister ni Heart Evangelista kung kailan uumpisahan ang Senate hearing para sa impeachment case ni VP Sara.


Isa si Romnick sa mga artistang mahilig magbigay ng kanyang opinyon sa lagay ng bansa at mga palpak na tao sa gobyerno.


Post ni Romnick sa X, “Ang tanong: Naiintindihan ba ng Senate President ang tungkulin n’ya? Nagbabasa ba s’ya ng Constitution? Nagsisilbi ba s’ya para sa kapakanan ng tao? O sa mga pinipili n’yang unahin at pagsilbihan? O iniisip ba n’yang mas mataas s’ya sa sambayanan?”


Maraming mga netizens ang kumuda at umayon sa mga sinabi ni Romnick sa X.

Ito ang sey nila…


“Feeling ko, absent s’ya lagi nu’ng idini-discuss ‘yung Constitution, lalo na ‘yung kung ano meaning ng forthwith at mandate (laughing face emoji).”


“Matalino si Chiz, tanga-tangahan lang ‘yan ngayon in his quest to stay in power as SP.”

“Ang loyalty ni Chiz ay na kay Sara Duterte at hindi sa taumbayan. Sigurado, malaki nakulimbat n’yan!”


Pati ang kilay ng mister ni Heart ay pinag-initan din ng mga netizens. 

Nagkalat ang memes ni Sen. Chiz na may koneksiyon sa kilay niya.


“Kilay at hikaw ang iniisip n’ya, ang sagwa namang tingnan, s’ya lang at asawa niya ang nagagandahan siguro (smiling with squinting eyes emoji).”

“Feelingera kasi itong si Senator Kilay…”


Pati si Heart ay nadadawit na rin sa pamba-bash kay Sen. Chiz, “Chiz can be an effective bodyguard to his wife every time she's in Paris for a fashion show, instead of being a Senate President.”


Sa huli, pinuri ng netizen si Romnick dahil sa kanyang ipinost.


“Parang si @SayChiz dapat yata ang nag-artista na lang. At itong si Romnick na lang ang naging presidente ng @senatePH. ‘Di hamak na mas may saysay at laman ang utak ni Romnick. Kamalas talaga ng Pilipinas.”

“Pati ba ang Pilipinas, laitin? Haller!”


Ano’ng sey n’yo, mga Ka-Bulgar?


Panukalang batas ni Sen. Robin, nakakabahala raw… DIREK BRILLANTE, PUMALAG SA PAG-CENSOR NG MTRCB SA STREAMING APP


SPEAKING of Senate, naglabas ng open letter ang Cannes Best Director na si Brillante Mendoza para sa Mataas na Kapulungan sa dalawang Kamara na gumagawa ng batas sa bansa.


Ang open letter ni Direk Brillante sa mga senador ay bilang reaksiyon sa pagbibigay ng mandate sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na i-classify din ang streaming platforms.


Ayon kay Direk Brillante, “Senator Robin Padilla’s proposed bill regulating streaming content through the MTRCB is deeply troubling. The stated intention is to protect children, but this is blatant control over our individual viewing choices in the privacy of our own homes. 


“Who has the right to dictate what we can and cannot watch? Should a government agency have this power? Is the control they already exert over cinema and television not enough?


“We live in an age of social media and widespread internet access. We cannot, and should not, control what every citizen chooses to watch. This is not the government’s purview; it is a matter of personal responsibility.


“Kung ang layunin daw ng bill ay upang proteksiyunan ang moralidad ng mga kabataan, ang pagkokontrol sa access to content is not the answer,” sey ng international award-winning director. 


Diin pa niya, “That responsibility lies with parents in raising their children. If a child witnesses corruption daily, from the barangay level to the highest echelons of government, how can they be guided towards righteousness? This is where our focus should be.


“Everything begins in the family. Who we are today is a product of our parents’ upbringing, and no one else’s. Let’s keep showbiz where it belongs—out of the business of governing others. Let's stop the political grandstanding.”

Ang dapat daw unahin ng mga artistang nahalal sa gobyerno ay ang kapakanan ng film workers. Until now ay wala pa raw malinaw na batas ang naisampa para sa proteksiyon ng mga manggagawa sa film industry.


“After years of acting, experiencing the hardships of filmmaking, and serving in politics, have they not paused to consider how they might help their fellow workers?

“Had Eddie Garcia not died, perhaps the law regarding fair working conditions would have been enacted sooner. It’s a basic law that should have been in place long ago.

The industry has been languishing, yet no action has been taken to revive it, while ordinary film workers struggle to survive. Even directors and writers resort to odd jobs just to make ends meet.


“We live in modern times. Let us not be hypocrites. Let us be truthful. Let us open our eyes to our surroundings. Let us feel what others are going through, what is in the hearts of our fellow Filipinos. Let us truly see, not just look. Because in seeing, we will find something far more meaningful,” paglalahad pa ni Direk Brillante.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page