top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mister ng isang kandidato sa National Position, may pa-online sabong na, may raket pa sa Customs

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 22, 2021


KAPAG NALAMAN SA BUONG BANSA ANG BAHO NG MISTER NG ISANG KANDIDATO, MALAMANG AY MATALO ITO--Sa ibang lugar ay maaaring makakuha ng maraming boto ang isang babaeng kandidato na tumatakbo sa national position, pero sa mismong lugar kung saan siya nakatira, tiyak na pagkatalo ang aabutin nito.


Marami kasi ang nagalit sa kanya dahil tino-tolerate nito ang raket na "online sabong" ng kanyang mister.


Ang dahilan kaya maaaring manalo pa sa ibang lugar ang kandidatong ito kasi hindi pa alam ang baho ng kanyang mister, pero kapag ito ay pumutok sa buong bansa, sure na loser siya!


◘◘◘


MARAMING KALOKOHAN ANG MISTER NG ISANG KANDIDATO SA NATIONAL POSITION--Maraming kalokohan ang mister ng babaeng kandidato for national position kasi hindi lang "online sabong" ang raket nito.


May impormasyon tayong nakalap na kasabwat din ito ng mga smugglers sa pagpapasok ng iba't ibang uri ng epektos sa Bureau of Customs.


Ganyan ka-bad ang mister ng kandidatong ito, period!


◘◘◘


MGA KANDIDATONG NAPATUNAYANG KORUP, PAGBAWALANG TUMAKBO--Matapos ibulgar ni P-Duterte na may isang presidential candidate na adik sa cocaine ay may mga nagmungkahi na dapat isailalim sa drug test ang lahat ng mga nais kumandidato sa national at local position.


Aba, teka, bakit adik lang? Dapat pati ang mga pulitiko at gov't. officials na may nakabimbing kasong graft and corruption ay pagbawalang tumakbo kasi taumbayan ang talo kapag nanalo ang mga ganyang uri ng kandidato, boom!


◘◘◘


PARA WALANG LUSOT, DAPAT SORPRESANG DRUG TEST ANG ISAGAWA SA KANDIDATO--Kung magpapairal ng drug test ang Comelec, dapat sorpresang drug test ang isagawa at hindi 'yung hihingan lang ng resulta ng drug test ang kandidato.


Ayon kasi sa mga doktor ay tatlong araw lang na hindi gumamit ng ilegal na droga ang adik at uminom ng maraming tubig ay hindi na mati-trace sa ihi nito ang drogang "binabatak" nito.


Ang nais nating ipunto, dapat pagka-file ng COC (certificate of candidacy) ng kandidato, magpalipas lang ng ilang araw ang Comelec at saka sorpresang ipatawag ang pulitiko na kailangan sa loob ng dalawang araw ay magtungo ito sa Comelec para isailalim sa drug test at ang sinumang hindi tatalima ay idi-diskuwalipika na ang kandidatura.


Sa ganyang sistema, walang lusot ang adik na kandidato, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page