Mister nakuryente, misis sumaklolo, patay
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Levi Gonzales @News | August 16, 2026

Photo: File
Nasawi ang mag-asawa matapos makuryente habang inaayos ang electrical wiring sa kanilang piggery sa Sitio Mahabang Parang, Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas, alas-9:50 ng umaga nitong Agosto 14.
Kinilala ang mga biktima na sina Clemente Mendoza, 60, truck driver, at asawang si Lorena Mendoza, 59.
Alas-9:50 ng umaga, inaayos ni Clemente ang kawad ng kuryente nang aksidenteng makontak ang live electrical wire. Sinubukan siyang tulungan ng kanyang misis ngunit siya rin ay nakuryente.
Agad na rumesponde ang mga kinauukulan at mabilis isinugod sa pagamutan, ngunit kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.





Comments