Mister, nahulog sa kama, dedbol

by Janice Baricuatro @News | September 19, 2026

Photo: File
Isang obrero ang namatay matapos mahulog mula sa upper deck ng double-deck bed sa barracks ng kanilang pinagtatrabahuhan sa Brgy. Bacao 1, General Trias City, Cavite.
Kinilala ang biktima na si alyas Romel, 42, helper at residente ng Brgy. Sta. Clara, General Trias.
Dinala siya sa Divine Grace Medical Center matapos umanong mahulog sa kama, ngunit makalipas ang apat na araw, binawian din ng buhay.
Ayon sa police report, alas-2 ng madaling-araw noong Setyembre 13, nang dalhin ng nurse at line leader ng HTI Transport Department ang biktima sa ospital.
Dahil sa laki ng sugat sa ulo, naghinala ang misis ni "Romel" na may ibang dahilan sa pagkamatay nito, kaya humiling siya ng masusing imbestigasyon at awtopsiya.





Comments