ni Angela Fernando @News | Sep. 30, 2024

Hinabol ng isang barkong pandigma ng China ang isang sibilyang barko ng 'Pinas malapit sa Ayungin Shoal o Bulig Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.
Ito ang unang pagkakataong hinabol ng barko ng China ang isang sibilyang sasakyan habang nagsasagawa ng maritime patrol.
Patungo sana sa Hasa-Hasa Shoal ang BRP Datu Romapenet, isang sibilyang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nu'ng Setyembre 27 upang maghatid mg tulong at mga supply sa mga mangingisda sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente.
Samantala, nagpaabot ng pag-aalala si Dr. Chester Cabalza, direktor at nagtatag ng International Development and Security Cooperation sa pinakabagong insidente ng agresyon ng nasabing bansa.
Comments