Miss Universe Phils., kinantahan habang sumasayaw…
- BULGAR

- Jan 2, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
HIRIT NG NETIZEN: ALDEN, GINAGAMIT SI RABIYA PARA 'DI MALAOS
ni Nitz Miralles - @Bida | January 2, 2021

Sa first day ng January, 2021, and the day before his birthday (today ang birthday ni Alden Richards, Jan. 2), ipinost nito ang result ng swab test sa kanya at nakalagay ang “negative.”
Tama kaya ang mga fans ng aktor na parang sasabak na uli siya sa taping dahil kinailangan niyang magpa-swab test?
O, baka naman shooting ang dahilan kung bakit nagpa-swab test si Alden?
Nabalita kasing this January na sisimulan ang shooting ng movie nina Alden at Bea Alonzo na co-produced ng Viva Films at GMA Pictures. Na-interview kasi si Vic del Rosario ng Viva Films at nabanggit na magsisimula na this January ang shooting ng A Moment To Remember na ididirehe ni Nuel Naval.
May target playdate na rin ang Alden-Bea movie na kung 'di mababago ay sa Holy Week 2021 na sa April, kaya ilang months na lang ‘yun mula ngayon.
Kaya lang, dahil sa Covid-19 pandemic, sa bansa na lang ang shooting ng movie at hindi na sila mag-a-out of the country pa.
Excited na ang mga fans ni Alden sa balitang ito at nakakatuwang ngayon pa lang, nag-uusap-usap na sila kung paano masusuportahan ang movie lalo na kung sarado pa rin ang mga sinehan.
Ang concern ng fans ay kung papayagan nang magkaroon ng block screening dahil malaking bagay nga naman sa box-office gross kung may block screening ang showing ng A Moment To Remember.
Anyway, this Saturday, sa birthday ni Alden, may special number siya sa Eat... Bulaga! at bukas, sa All-Out Sundays, may birthday special number din siya kasama si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. Nakunan na ang production number ng dalawa at sa teaser, makikitang kumakanta si Alden at nagsasayaw naman si Rabiya.
Kung may matutuwa sa production number nina Alden at Rabiya, tiyak din na may mamba-bash sa aktor. May mga nag-aakusa sa kanyang ginagamit si Rabiya para patuloy siyang pag-usapan.
Nagsimula lang lagyan ng isyu sina Alden at Rabiya nang may lumabas na picture na nakatingin ang aktor sa beauty queen nang mag-guest sa Eat... Bulaga! ang dalaga. Para bang bawal nang tumingin sa beauty queen, eh, normal naman sa lahat na titingin kapag may nakitang beauty queen.
Mabuti na lang talaga at dedma na si Alden sa mga bashers at sa negative comments sa kanya. Heto at may bago na namang ipinupukol sa kanya na ang kapalit naman ay blessings, kaya sabi siguro nito, "Sige lang, i-bash n'yo lang ako, may maganda namang kapalit na darating."




Comments