Miss Universe Phils. ang ipinalit kay Chie… JAKE, PROUD NA PROUD KAY RABIYA
- BULGAR

- 4 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 3, 2026

Photo: Jake Cuenca at Rabiya Mateo - IG
Pinakilig na naman ni Jake Cuenca ang mga shippers nila ni Rabiya Mateo sa comment nitong “Proud of you forever, a queen,” sa post ni Rabiya kung saan binalikan ang pananalo niyang Miss Universe Philippines 6 years ago. Winelcome rin nito ang bagong Miss Universe Philippines.
Tumaas ang pogi points ni Jake sa comment niyang iyon, at sabi ng isang netizen, kapag nagkagusto o na-in love si Jake, very loud and proud ito.
Kaya suwerte raw ni Rabiya dahil sa simula pa lang, noong first date nila ni Jake, ipinagmalaki na siya.
Ang hinahanap at hinihintay na lang ng fans ay mag-‘I love you’ si Jake kay Rabiya sa Instagram (IG) ng dalaga para mabasa nila.
Sa ngayon, puro comment pa lang at pagla-like ang aktor sa posts ng beauty queen-aktres.
NAGLABAS ng official statement ang G Studios at Viva Artists Agency sa pagba-backout ni Sarah Geronimo sa Aurora Music Festival kahapon. Mahaba ang statement, at sinabi na pagkatapos ng rehearsal ni Sarah, she was examined by a doctor at pinayuhan na mag-full rest.
Priority ang health ni Sarah kaya napagdesisyunan na hindi na siya mag-perform sa festival.
“We sincerely apologize to the organizers of the Aurora Music Festival. This situation was entirely unforeseen, and we recognize the significant impact this last-minute withdrawal places on the event and everything that has gone into it. We are truly grateful for the understanding and professionalism of the organizing team,” bahagi ng statement.
Hindi binanggit sa statement kung ano ang nangyari kay Sarah sa rehearsal, at ang sabi lang, kinailangan niyang magpahinga para maayos na maka-recover. Nangako ang management na magbibigay ng updates sa kondisyon ni Sarah.
Ang nabasa namin, nahilo ito at baka may mangyari habang nagpe-perform siya kung pinilit niyang ituloy ang kanyang set.
Naintindihan ng mga fans ni Sarah kung bakit siya nag-withdraw at wish nila ang paggaling nito sa kung anuman ang medical condition niya. Hindi lang maiwasan ang lungkot at panghihinayang, lalo na ng mga hindi pa napapanood mag-perform nang live si Sarah.
May comment na si Sarah ang rason kung bakit platinum ticket ang binili niya na worth P5,000, at hindi pa kasama ang two-night hotel accommodation. Parang hindi na lang tumuloy ang mga fans na may mga tiket na.
MASAYANG ibinalita ng TV5 ang positive feedback ng viewers sa My Bespren Emman (MBE) sa pilot week ng airing nito. Agad daw kumonek sa tao ang series.
Aniya, “‘Di lang dahil maganda ang kuha o ilaw, kundi dahil totoo ang emosyon.
Ramdam sa bawat eksena ang sakit, pag-asa, at pagnanais na magsimula ulit.”
Pinuri ang cast, kasama ang batang artista na si Ryrie Sophia, at tumatak sa puso ng mga viewers ang tahimik pero malakas na pagganap niya bilang isang may kapansanan sa pandinig. Nakikipag-communicate ang karakter niya sa sign language.
Sa mediacon ng MBE, naikuwento ni Ryrie na nag-aral s’ya ng sign language para mas natural niyang magampanan ang kanyang role. Pinuri rin ng mga viewers ang mga gumanap na batang Ruth (Shaina Magdayao) at Mateo (JM De Guzman) na sina Ice Reyes at Alijah Abatayo, na pareho ring magaling.
Nakatulong para mas lumabas ang emosyon ng series ang theme song na Hesus ng Aking Buhay na kinanta nina Carmela Lorzano at Roulle Cariño, na ang mensahe ay may pag-asa ang buhay kahit gaano kagulo ngayon. Kinanta ito sa mediacon at may nag-interpret gamit ang sign language.
Ang magandang balita pa, may recap ang series every Saturday, 8:00 PM sa Sabado with Emman: My Bespren Emman Recap. Kaya kung may na-miss kayong episode, puwede pa ring mapanood.




Comments