Miss Universe candidate, nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Israel
- BULGAR

- Nov 30, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kandidata ng Miss Universe pagdating nito sa Israel, ayon sa Miss Universe Organization.
Hindi pinangalanan ng organizers ang nasabing kandidata at hindi pa rin tukoy kung ito ay may kinalaman sa Omicron variant.
Agad naman itong dinala sa government-run isolation hotel ng Israel.
Ayon pa sa Miss U organization, fully vaccinated ang kandidata at sumailalim sa COVID test bago pa man ito bumiyahe patungo sa host country.








Comments