Miss Universe 2022… R'BONNEY GABRIEL, NAG-MOTOR PARA IWAS-TRAFFIC SA 'PINAS
- BULGAR
- Aug 8, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 8, 2024

Nawiwiling magpabalik-balik ng Manila ang Fil-Am Miss Universe 2022 na si R’Bonney Gabriel. At dahil ma-traffic, marunong na ring mag-motor ride si R'Bonney sa kanyang mga pinupuntahan.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “And do the honks mean ‘hello’ or move out on the way?”
Komento ng mga netizens, “Miss USA then Miss UNIVERSE, but most importantly, MISS ANGKAS, who is living the Pinas nightmare with full gears of prayers and albeit love for lupang sinilangan ng iyong ama. Sige lang, mahal ka namin.”
May nagdadasal naman para sa kaligtasan ng former beauty queen.
“Hehehe, the toughness of the Filipino spirit will see you through life but most of all anchor is to our GOD. May HE keep you safe and healthy.”
Ipinalabas na ang full trailer ng Lavender Fields (LF). Tila naiiba ang character dito ni Janine Gutierrez bilang misis ni Jericho Rosales na kontrabida sa buhay ng mister at ni Jodi Santamaria na gaganap na mistress ni Echo.
Sey nga ni Echo, “Oh, my freaking goat!”
Ayon sa isang netizen, “Ang galing mo pero naiinis ako sa 'yo, 10% lang naman."
“Puro the goat casting, tindig-balahibo.”
Isa rin si Kyle Echarri sa mga nagkomento, “Ahhh, so exciting!”
Pinaalis naman siya ng isang commenter, “Alis ka rito, si @janinegutierrez naman lalandiin mo, alis ka dito, red flag flirt, alis ka dito, sa Pamilya Sagrado ka na lang.”
Pinagsabihan naman ang naturang commenter ng isa pang netizen, “Kalma lang, he’s just being honest admiring Janine. Ka-admire naman talaga si Janine and he’s supporting Janine’s project."
“Mahal n’ya ang Ate Janine n’ya, sayang nga at wala na sa A.S.A.P. si Janine. Lagi s’yang nakaalalay sa ate n’ya.”
Sey pa ng ibang netizens…
“Bagay pala kay Janine maging kontrabida.”
Sagot naman ng isa, “Pang-kontrabida naman talaga ang aura n’ya.”
“Wow, ‘yung ganda n‘yan. Magaling talaga s’yang artista, kaya n’ya lahat ng role.”
“Bagay naman talaga sa kanya ang bida-kontrabida. Dragon lady of GMA is one of her best.”
“Inaabangan namin ang sagupaan nina Janine at Jodi.”
Sa September ang airing ng Lavender Fields. Bongga!
Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel ng dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Cruz na diumano'y nang-rape kay Sandro Muhlach ay nagpatiuna na ang kanyang mga kliyente na hindi makaka-attend sa Senate hearing.
After mag-file ni Sandro ng complaint sa GMA at NBI laban kina Nones at Cruz, nagpasaklolo na nga rin ang panganay na anak ni Niño Muhlach sa Senado.
Si Senator Robin Padilla ang chairman ng Senate Public Information and Mass Media Committee, kaya siya rin ang in-charge sa hearing.
Nagpadala sila ng imbitasyon sa GMA Network at Sparkle GMA Artists Center, as well as sa NBI officers na tumanggap ng complaint ng aktor.
Pero kinumpirma nga ni Atty. Garduque na hindi dadalo ang dalawa niyang kliyente.
“I will not be in Manila tomorrow but as regards my client, they will not attend.”
Ang dahilan ng kampo nina Nones at Cruz, ang ipinatawag ng Senado ay para pag-usapan ang tungkol sa mga policies ng TV networks at talent agencies on handling complaints about abuse and harassment.
Pero idiniin nitong hindi nga empleyado ng GMA-7 o Sparkle Artists ang kanyang mga kliyente kaya hindi kailangang um-attend sa hearing.
"So, basically, the Senate will discuss the policies of TV networks and talent agencies on handling complaints. Our clients are not [employees] of GMA Network or Sparkle Artist Center. Therefore, they do not have personal knowledge of the policies of said network and talent agency," ani pa ni Garduque.





Comments