top of page

Miss U, walang balak magdemanda… HIRIT NG NETIZEN: PIA, MABUNTIS LANG SANA NG MISTER, HIWALAYAN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 2, 2025





Sobra ang galit kay Pia Wurtzbach ng isang netizen na ipinagpe-pray na masira ang marriage life nito at kung anu-ano pang kasamaan ang mangyari kay Pia.


Nag-post lang naman si Pia ng kanyang GRWM (get ready with me) kung saan makikita siyang nagme-makeup at ibinida ang bag, comment ng isang netizen, “Why black and brown Hermes purse is all you got? Para madali iterno? ‘Di afford unique design?”


‘Kalokah ang netizen na wala yatang nagmamahal kaya puro poot ang nasa puso at idinamay pa si Pia.


Dagdag pa nito, “Praying for your divorce soon, so he will realize you are a user and can’t bring anything in the table. Pero MAS maganda if pregnant ka muna so you’ll be divorce single mom. Manifesting.”


Sagot ni Pia, “Just another day, another DM. Wild, right? C’mon people. Bagong taon na. Nag CNY pa. It’s exhausting, and hurtful din, ha. Let’s stop normalizing this kind of online behavior. Out na natin ‘yung ganito for 2025 and instead, let’s be nice to each other and support and uplift one another.”


Kahit hindi fans ni Pia, nangilabot sa ipinagpe-pray at mina-manifest ng kanyang hater dahil sobra na. Ano raw ba ang kasalanan ni Pia para ipagdasal na mag-fail ang marriage nito? Wala naman daw masama sa post ni Pia para mag-react si netizen ng sobrang negative.


May nagpayo kay Pia to post the name of the netizen na sobra ang galit sa kanya at may nag-suggest naman na kanyang ipa-trace ang basher at idemanda ng cyber libel. Kaya lang, sa sagot ni Pia sa kanya, parang wala itong balak magdemanda at nakiusap pa nga na itigil na ang mga posts na ganito.


May nag-comment pa na dapat hindi inamin ni Pia na nasaktan siya sa mga ganitong posts dahil lalo siyang iba-bash. 


Marami ang nakisimpatya sa kanya at sila na ang nagsabing makakarma ito sa masamang iniisip at gustong mangyari kay Pia. Babalik daw sa basher ang masamang sinabi laban kay Pia Wurtzbach.



“WAAAHHHH finally! It’s out!!! I am sooo excited for this!!!” ang reaksiyon ni Barbie Forteza nang ilabas ng Netflix Philippines ang teaser ng project nila ni Eugene Domingo sa nasabing streaming platform.


Ang tinukoy ni Barbie ay ang Kontrabida Academy (KA) na pinagsamahan nila ni Eugene written and directed by Chris Martinez.  


Wala pang binanggit na streaming date ang Netflix at iba pang details sa series. Pero sa lumabas na pubmaterial, makikita si Carmina Villarroel na kaeksena si Barbie.


Marami ang excited sa surprise project na ito ni Barbie at nangako silang susuportahan ang series. 


Pati ang nagsimulang Daig Kayo ng Lola Ko (DKNLK), na nagsimula ang airing kahapon, suportado ng mga fans ng aktres. Excited din sila sa story ng My Crown Prince (MCP) kung saan, kapareha ni Barbie ang South Korean actor na si Kim Ji-Soo at mapapanood the whole month of February.


Natutuwa ang mga fans ni Barbie na marami itong projects sa TV at sa movies, kasama man o hindi si David Licauco, gaya nitong series nila ni Eugene. 


Tiniyak ni Barbie na may BarDa pa rin at baka nga si David ang makapareha niya sa movie na Moments of Love: On Borrowed Time (MOL:OBT) at ang upcoming TV series niyang Beauty Empire (BE).  


Kasama sa magagandang comments para kay Barbie ay “Congratulations! You deserve all the blessings. Grabe ka, beh! January pa lang pero hataw na” at “So happy for you, Barbs.”


                             

ANG ganda ng anniversary message nina Iya Villania at Drew Arellano sa isa’t isa sa pagse-celebrate nila ng kanilang wedding anniversary. Eleven (11) years na sila at magiging lima na ang mga anak.


Sabi ni Iya, “I knew this was going to make me happy, I just didn’t know it was going to make me THIS HAPPY. Happy anniversary, love. Grateful every single day and always praying we’ll be the examples of love that we need to be for our children. Here’s to always choosing each other.”


Heto naman ang kay Drew, “To the most thoughtful, adventurous, and toughest person I know: With you, I was already at 100 %. With the kids, I’m the happiest person on the planet! Happy 11!!! I love you.”


Ang daming greetings sa mag-asawa at ang iba ay may kasama pang comments na dagdag-sayang basahin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page