top of page

Miss U, tikom ang bibig… PIA, NAG-POST NG VIDEO NG FASHION EVENT GALING SA IBANG SITE, INAKUSAHANG NAGNAKAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2024
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 15, 2024



Showbiz News

Although tinanggal na ni Pia Wurtzbach ang sinasabing “pinakialaman” niyang video na pag-aari ng isang fashion site, still, marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa dating Miss Universe.


Ang naturang video ay kuha mula sa isang fashion event ng Carolina Herrera brand na ini-upload ni Pia sa kanyang socmed (social media) account. Kesyo wala raw pahintulot ang original na may-ari nito or hindi nagpaalam si Pia, etc. etc. hanggang sa akusahan na itong “nagnakaw”.


Mula sa isang malapit na kaibigan ng beauty queen, naikuwento nito sa aming meron umanong administrator ang socmed account ni Pia at baka rito nanggaling ang pagkakamali.


Wala pa ring sinasabing pahayag si Pia tungkol sa isyu pero ‘yun nga, tila nahusgahan na nang wagas si Pia Wurtzbach.



Nu'ng July 29 pa, ngayon lang in-announce… 

KAMPO NI JAMES, UMAMING 'DI NA TALENT SI LIZA 


James Reid at Liza Soberano

NANG dahil nga sa naglabasang balita tungkol sa kawalan ng suporta ng Careless Music (CM) sa mga ganap ni Liza Soberano, naglabas na ng pahayag ang kumpanya ni James Reid.


Effective July 29 pa, ayon sa anunsiyo, ay hindi na opisyal na bahagi ng CM si Liza at masaya raw ang kumpanya na naging bahagi nito ang aktres. 


Halos magdadalawang buwan na ang lumipas bago ito pormal na inilabas ng naturang kumpanya ni James. Kung hindi pa naglabasan ang mga tsika tungkol sa aktres ay mukhang hindi pa maglalabas ng statement ang CM.


Meanwhile, pinaninindigan naman ng mga loyal and ardent LizQuen fans na very much into each other pa sina Liza at Enrique Gil.


“They simply are standing true to their commitment na ‘wag na itong masyadong ibahagi sa public,” sey pa ng source namin.



PINAKAUNA nang nagbigay ng kanyang appreciation-thanksgiving cum Christmas Party si Cong. Arjo Atayde sa mga kaibigan sa entertainment media.


Last Friday the 13th nga ito ginanap sa kanyang headquarters diyan sa Quezon City kung saan inire-represent ng aktor-pulitiko ang first district ng lungsod.


Sinagot ni Arjo ang mga katanungan ng media- friends partikular na ang pagbalanse niya ng kanyang gawain sa showbiz at public service.


Mahusay na aktor si Arjo at katunayan nga rito ang kanyang mga award-winning performances na napansin sa international scenes.


“Acting is my passion. Hindi ‘yan puwedeng alisin sa ‘king sistema. But doing public service is also fulfilling, mahirap mamili kaya binabalanse ko ‘yan,” sagot ni Arjo.


Although marami ang naghihintay na magkaroon na sila ng sariling pamilya ni Maine Mendoza, malaya raw muna nilang ine-enjoy ang company nila as husband and wife. 


“In time, that will come. Inire-ready na rin naman namin ang aming mga sarili,” dagdag pa nito.


Good luck, congratulations and thank you po, Cong. Arjo Atayde.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page