top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Miss na miss ng fans… JOSHUA, NASA 150 M VIEWS NA ANG TIKTOK VIDEO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 7, 2024



Matagal na nagbakasyon si Joshua Garcia sa TikTok kaya naman laking-tuwa ng kanyang mga followers nang biglang mag-post ng bagong dance video ang aktor nitong nakaraang weekend.


Ibinahagi ni Joshua ang kanyang version ng trending na Anita Max Wynn dance craze with matching flower filter pa sa kanyang tenga.            


Hit agad ang nasabing video na sa ngayon ay nasa more than 11 million na ang views sa loob pa lamang ng 2 araw.


Na-miss nang bongga ang aktor ng kanyang mga followers sa TikTok dahil ang last video pa niya ay June 17 last year.


Sey tuloy ng mga netizens sa comment section, baka isang taon na naman bago masundan ang latest video ni Joshua. Request nila, sana raw ay laging mag-update ang aktor ng bagong video.


Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens…


“Buhay na po siya, 'kala ko ghinost mo na kami, yeyyyy!!! Welcome back babeeee, ayan na siya, guys alam na n'ya uli password n'ya sa tiktok, dalasan mo naman mag-tiktok Joshy.


Epic comeback.”


Matatandaang unang nag-post si Joshua ng video sa TikTok noong 2021 with his version of Ginseng Strip 2002, na agad din namang nag-hit sa mga netizens at umani ng millions of views. 


Sa ngayon, ang naturang Tiktok video niya ay nasa 150 million views na at patuloy na humahakot ng likes at comments. 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page