top of page

Misis, out sa b-day ng utol ng mister… MAINE AT ARJO, TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA HIWALAYAN DAW NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

Updated: 2 days ago

ni Beth Gelena @Bulgary | March 27, 2026



Arjo Atayde at Maine Mendoza - Instagram

Photo: Arjo Atayde at Maine Mendoza - Instagram



May paliwanag na si Bayani Agbayani kung bakit binura niya ang video na ipinost niya sa Tiktok kung saan makikitang wala si Maine Mendoza sa birthday celebration ng kapatid ng mister na si Arjo Atayde na si Ria Atayde.


Ayon kay Bayani, wala umanong nagsabi sa kanya na burahin ang video. Personal daw niyang desisyon ito matapos mapagtanto na kaganapan iyon ng pamilya Atayde at hindi sa kanya. 


Idinagdag din niya na wala roon si Maine dahil may sakit ito.

Well, haka-haka tuloy ng mga netizens, maaaring naghiwalay na ang mag-asawa at iniuugnay ng ilang online users ang sitwasyon sa kumakalat na blind item tungkol sa isang ‘power couple’ na umano’y dumaranas ng hiwalayan.


Mabilis namang ipinagtanggol ng mga tagahanga ang celebrity couple. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag sina Maine Mendoza at Arjo Atayde tungkol sa mga tsismis.





Nagreklamo sa sirang flush ng toilet… 

EX-SEN. BONG, MAY VIP TREATMENT DAW SA KULUNGAN



May reklamo umano si dating Sen. Bong Revilla, Jr. hinggil sa sirang toilet flush sa kanyang selda.


Ayon naman kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Gen. Baby Noel Montalvo, “Na-address agad. Kasi nga po, ‘yung mga area na ‘yun, ‘di nagagamit before… siguro po, nag-clog, naayos naman kaagad,” pahayag ni Gen. Montalvo.


Pinabulaanan din na may special treatment sa loob ng kulungan ni Revilla.

Muling naging sentro ng balita ang actor-pulitiko matapos lumabas ang ulat na nagreklamo siya tungkol sa sirang toilet flush sa kanyang selda sa Quezon City Jail. 

Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon. Ang ilan ay nagsasabing normal lamang na magreklamo si Revilla dahil karapatan ng bawat detainee na magkaroon ng maayos na pasilidad.


Sa kabila ng reklamo, tiniyak ni Montalvo na maayos ang kalagayan ni Revilla sa loob ng kulungan. Personal pa raw niyang binisita ang dating senador dalawang linggo na ang nakalipas bilang bahagi ng regular na inspeksiyon.


“Okay naman po, walang problema sa kanya. Naka-separate lang s’ya ru’n sa ibang PDL (Persons Deprived of Liberty), although may mga kasama rin siyang PDL doon sa katabing selda niya. ‘Yung kanyang selda is the same with lahat po,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang nahaharap si Revilla sa kaso kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.


Nu’ng mga nakaraang linggo, lumabas ang mga espekulasyon na umano’y tumatanggap ng special treatment si ex-Sen. Bong sa loob ng kulungan. May mga ulat na nagsasabing siya ay nakatira sa isang air-conditioned room at hindi sa regular na selda.





Proud na proud na karangalan ng ‘Pinas…

LIZA, BIDA SA ANIMATED FILM NG DREAMWORKS ANIMATION



NAGBAHAGI ng post tungkol sa pasasalamat si Liza Soberano matapos ang paglabas ng trailer ng Forgotten Island (FI) kamakailan. 


Siya ang bida sa paparating na animated film at ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) na sabik na sabik siya sa pagsali sa proyektong ito mula sa DreamWorks Animation na nakasentro sa kulturang Pilipino.


Tampok sa pelikula ang kahanga-hangang hanay ng mga Pilipino at Fil-Am talents, kabilang sina H.E.R., Lea Salonga, Dolly de Leon, Manny Jacinto, at Jo Koy.

Ang nominado sa Academy Award na si Mark Swift ang nagprodyus ng pelikula, at ang kanilang koponan ang nasa likod ng Puss in Boots: The Last Wish (PIBTLW).


Kamakailan lamang ay inilabas ng DreamWorks Animation ang opisyal na trailer ng orihinal na animated film at naging viral ito. Hindi napigilan ni Liza na ipahayag kung gaano siya ka-proud na ang kulturang Pilipino ay ipinagdiriwang na ngayon sa buong mundo. 


Tanong niya sa mga netizens, “Nagustuhan ba ng lahat ang trailer?” 

Ang bongga ni Liza, ha?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page