top of page

Misis, niloko… NIKKO, TODO-SORRY SA LUMABAS NA SEX VIDEO SCANDAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 7, 2026



Nikko Natividad / Instagram

Photo: Nikko Natividad / Instagram



Kung si Arron Villaflor, nonchalant sa lumabas na sex video scandal daw niya at naniniwala itong mas makakatulong sa kanya ang isyu dahil sabi pa nito, scenes for his VMX movie ang nasa naturang scandal at smear campaign lang, si Gil Cuerva ay naglabas na ng official statement matapos kumalat ang mga controversial videos.

Aniya, walang permiso niya ang paglabas nito at may paalala sa lahat na bawal ang pagpapakalat nito. 


Si Ron Angeles naman, nag-post ng, “Relax lang tayo d’yan,” at sanay na raw siyang mahusgahan.


Si Nikko Natividad, nag-post sa Instagram ng “I’m sorry” at may emojis ng clapped hands at red heart. 


Sabi ng mga netizens, para raw sa wife ni Nikko ang pagso-sorry nito dahil mas malaki ang kasalanan niya sa asawa kesa sa mga fans o sa mga netizens. 


Nagpahayag naman ng suporta ang mga friends ni Nikko at may nag-comment na ‘wag na niyang uuliting lokohin ang asawa.


May mga nag-suggest kina Nikko, Gil, Ron at Arron na idemanda nila ang nasa likod ng pagkalat ng sex scandal videos, lalo na ang nag-record ng private moments nila. May naghahanap na nga sa girl na kasama nila sa video.





Aktres, ngayong may Mayor Mark na… 

KATHRYN AT ALDEN, AYAW NA NG FANS NA MAGSAMA SA PELIKULA





NAGTATAKA at nagtatanong ang mga fans ni Alden Richards sa ilang fans ni Kathryn Bernardo kung bakit bina-bash o may inilalabas silang isyu sa Kapuso actor everytime spotted sina Kathryn at Lucena City Mayor Mark Alcala?


Itong bagong sightings kina Kathryn at Mark, ang pinalabas na isyu ay tinanong daw ng fan ni Kathryn ang mom ng aktres kung nanligaw si Alden kay Kathryn, at “hindi” ang sagot ni Mommy Min Bernardo. 


Dito na lumabas ang pamba-bash kay Alden na pinalagan ng mga fans ng aktor.

Comment ng mga fans ni Alden, wala naman daw kinalaman ang aktor sa relasyon nina Kathryn at Mark, pero bakit pilit pa rin siyang idinidikit sa dalawa?


Dapat daw, panindigan at suportahan ng mga fans ang MarkKath relationship kung talagang masaya sila for their idol at tanggap nila si Mark for Kathryn.

Nakakaaliw basahin ang puksaan ng dalawang kampo ng mga fans at hindi sila nauubusan ng rebuttal na kung minsan, too personal na. Minsan, umabot na sa physical looks nina Alden at Kath.


Lumalalim at lalalim pa ang puksaan ng dalawang kampo ng fans at nakalulungkot na dahil dito, baka hindi na muling magtambal sa pelikula sina Alden at Kathryn. Ayaw na ng kani-kanyang fans na magsama pa sila sa pelikula o anumang projects na kung pakikinggan ng mga producers, hindi na nila iisiping pagsamahin pa ang dalawa.


Sayang ang box-office gross kung sakali, pero kung para sa peace of mind nina Alden at Kathryn, mas mabuti ngang wala na silang pagtambalang project.

And speaking of Alden, may teaser na ang international movie nito na Big Tiger at based sa teaser, sumabak nga sa action ang aktor. 


Ang dami niyang action scenes, at talagang nakipagbakbakan at nakipagrambulan siya sa kaeksena. Bugbog-sarado rin siya at duguan ang mukha.


Kontrabida ang role ni Alden sa nasabing movie na isa rin siya sa mga producers. Excited ito sa pagpasok niya sa international  scene at kahit hindi pa naipapalabas ang Big Tiger, excited na ito for more international project to come. Kaya deadma na ito sa mga “ingay” sa paligid, pati ‘yung sa love life nina Kathryn at Mark.




Reaksiyon ng mister, inaabangan din…

ANNE, BALIK-‘PINAS NA, NO COMMENT PA RIN KAY CONG. SUNTAY



Parang tinakot ng fan ni Anne Curtis si Cong. Bong Suntay sa post  nitong nakabalik na sa bansa ang aktres, kaya lagot daw ang kongresista. 


Ano kaya ang ine-expect ng commenter na gagawin ng aktres kay Suntay?


Samantala, ini-like ni Anne ang post ng Preview PH addressed to Suntay at bukod kay Anne, marami rin ang nag-like sa nasabing post na ganito ang nakasaad: “Dear Congressman Bong Suntay, your daughters deserve better. One day, they will grow up and walk into rooms just like the one you were in this week — rooms where decisions are made, where people debate ideas, where power is exercised. They will enter workplaces, meetings, and professional spaces hoping to be taken seriously for who they are and what they bring to the table. And when they do, they will hope that the men around them understand something fundamental: that women deserve to be spoken about with respect.”


Ngayong nasa bansa na si Anne, may mga comments na magbigay siya ng statement sa controversial na pahayag ni Suntay. May mga gustong mag-file siya ng kaso para raw masampulan ito. 


Inaabangan din kung magsasalita o maglalabas ng statement ang husband ni Anne na si Erwan Heussaff para lang marinig o malaman ang saloobin niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page