Misis ni Robi, tinutubuan na ng buhok

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 23, 2024

Positibo si Maiqui Pineda-Domingo, misis ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo, sa muling pagtubo ng kanyang mga baby hair sa isang mirror selfie na ibinahagi niya sa kanyang Instagram story.
Ayon kay Maiqui, nalalagas pa rin daw ang kanyang buhok ngunit umaasa siyang tutubo itong muli.
Kasalukuyang sumasailalim si Maiqui sa isang treatment para sa kanyang autoimmune disease.
Matatandaang ibinahagi ni Maiqui nu'ng taong 2023 na siya'y lumalaban sa isang rare autoimmune disease na Dermatomyositis.





Comments