top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Misis ni Ice, kahit pumirma na ng 3 pang taon…TIRSO, PALIT KAY LIZA DINO BILANG FDCP CHAIRMAN

BULGAR
Jul 6, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 5, 2022



Kasingbilis ng paglabas ng resulta ng mga nanalong kandidato last election ang pagpalit ng mga tao sa gobyerno especially sa departamento ng film and arts.


At ang unang government agency na related sa film and arts na pinag-uusapan sa social media ay ang Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ni Chair Liza Diño.


Mabilis na kumalat na papalitan na si Chair Liza kahit na may napirmahan na siyang renewal for another three-year extension as FDCP head.


At ang lumulutang na pangalan bilang kapalit ni Chair Liza ay ang actor at original love team ng Superstar na si Nora Aunor, walang iba kundi si Tirso Cruz III.


Dagdag pang tsika ng mga Marites sa socmed, nakatakda nang manumpa as the new FDCP chair si Kuya Pipo on the same day na kumalat ang balita kahapon.


So, if that’s true, may bago nang chairperson ang FDCP today.


Sunod na inaabangan ng iba ay kung sinu-sino naman ang ilalagay para mamahala sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP).

As of this writing, ang dating beauty queen and Miss Universe na si Margie Moran ang chairperson ng CCP at si Arsenio Lizaso naman ang president na siya ring chairman ng NCCA na may P30 M budget taun-taon mula sa pamahalaan.

For sure, may mga napili na sila bilang head ng mga nabanggit naming government agencies. Pero hiling ng mga taga-showbiz, ang ilagay ay ‘yung mga “nasa loob” talaga ng industry na kapang-kapa ang mga pangangailangan sa kabuuan ng paggawa ng sining gaya nga ni Kuya Pipo.


Personally, we strongly endorse the King of Talk na si Boy Abunda para sa NCCA. Remember, bago siya nakilala bilang talk show host ay matagal din siyang nagtrabaho sa NCCA under Conchita Sunico sa Metropolitan Theater. Protégé si Kuya Boy ng former MET caretaker along with Edu Manzano’s mom na si Ms. Nenita Manzano.


And also, si Direk Brillante Mendoza na nagbigay ng napakaraming international recognition para sa bansa sa larangan ng pelikula. Pasadung-pasado rin si Direk Brillante na maging National Artist na sana naman ay ‘wag patagalin gaya ng nangyari kay Direk Marilou Diaz-Abaya. Iginawad kay Direk Marilou ang pagiging National Artist kung kailan ilang taon na itong namayapa.


And speaking of National Artist, curious naman kami kung na-consider kaya si Nora sa anumang government position sa larangan ng film and arts. Dunno lang if there’s a law na naglalahad na ang isang National Artist ay ‘di na puwedeng i-consider for a government post.


But what about ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na number one supporters ni P-BBM?

By the way, ang isa pang balita ay may napili na rin daw bilang bagong MTRCB chairman sa katauhan ng actor na si Johnny Revilla, youngest and only son ng LVN Pictures star na si Armando Goyena at mister ng singer na si Janet Basco.


Pero ayon naman sa isang source, ang bagong MTRCB chair daw ay si Atty. Jeremiah P. Jaro, vice-chairperson ng MTRCB na in-appoint ni former Pres. Rodrigo Duterte last January 23, 2019 bilang kapalit ni Rachel Arenas. Matagal na ring naninilbihan bilang member ng MTRCB si Atty. Jaro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page