top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis ni Cong. Albee na nagbulgar sa kanya, ayaw idemanda… IVANA, GUSTONG MAKALUSOT NA ‘KABIT’, NAGPA-LIE DETECTOR TEST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 25, 2025



Photo: Ivana Alawi - IG


Dumaan si Ivana Alawi sa ‘Lie Detector Test’. Aniya, totoong may bahay sila sa Bahrain at  idinenay niya na siya ay isang homewrecker.


Matatandaang naging controversial si Ivana few weeks ago nang idawit ng misis ni Cong. Albee Benitez sa complaint affidavit nito at inakusahang ‘mistress’ umano ng pulitiko.


Ayaw namang maniwala ng isang commenter, aniya, “Eme!”


Dugtong pa niya, “5 years ago, nag-comment ako na bakit walang personal pictures o furnitures or anything that personalized the house, napaka-bare. S’yempre na-bash ako ng mga faneys niya. ‘Yun tama pang amoy ko, Airbnb nga. The mere fact na ‘di n’ya ‘yun nabanggit na pang-Airbnb ‘yun only means na hindi s’ya honest. Storyteller ang hitad pero if you listen closely, mao-observe mo naman kung totoo o eme-eme lang.”


Nasabihan tuloy si Ivana ng, “Linis-linis din ng image ‘pag may time.”

Sey pa ng ibang mga netizens…


“Trying hard to defend herself. She is really a typical starlet.”

“Boy Abunda in an interview years ago sa Channel 2 asked him about Dan Fernandez. Du’n pa lang, obvious na.”


“Pinanood ko lang s’ya during the first few years of her vlog. Last nood ko ‘yun, naglinis s’ya ng bus in honor of a vlogger who died — Lloyd Cadena. Wala akong nakikitang sincerity o meaning sa mga pinaggagagawa n’ya. Usually, poverty porn o prank na obvious. Pang-views lang.”

“I’m trying to not sound mean but the moment I heard her brother speak, lalo na nu’ng nanay niya… napaka-pretentious rich kid nu’ng kapatid n’yang lalaki. Meanwhile, the nanay sounds palengkera.”


“Kuwento mo ‘yan, Ivana, ikaw ang bida. Holier Than Thou.”


“Eh, bakit nga naka-list sa Airbnb ang balur?”


“Lie detector test talaga? Eh, hindi naman accurate ‘yan. Hahaha!”


“Isang malaking CHAROT lang ‘yan na lie detector kuno. Of course, palalabasin nila na kunwari, she’s telling the truth. Alangan namang ilaglag n’ya ang sarili n’ya sa own vlog n’ya.”


“Maniniwala lang kami kung mag-file ka ng kaso laban sa legal wife for perjury o slander o libel. Hahaha! Lie detector test is not even admissible in Court. Wala ‘yan probative value for being unreliable.”


“Hahaha! Eh, pampalinis-image lang naman ‘yan. Pakialam n’ya sa reliability n’yan. Gaya nu’ng last time, na-hospital eme s’ya. Ngayon pa-lie detector. Sus.”


“Korek! I want to see her try to dispute Mrs. Nikki’s lawsuit.”


“Hindi n’ya kayang kalabanin, mauubos ang pera n’ya. Hahaha!”

Bukas ang BULGAR sa pahayag ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi.


Anak ni House Speaker Romualdez… 

SARAH, CONG. DAW ANG IPINALIT KAY RICHARD


MAY tsikang naglalabasan na diumano’y may bago nang karelasyon ang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati, at ito raw ay isang pulitiko.


Ang nali-link umano sa aktres ay ang anak ni House Speaker (HS) Martin Romualdez na si Councilor Marty Romualdez. Siya ang newly-elected councilor ng Tacloban City.


Marami ang nagsasabing suwerte raw ang aktres dahil galing sa buena familia ang guy at higit sa lahat ay matalino at guwapo ito kung saan sa Tate pa raw nagtapos ng pag-aaral.


Sanay na rin daw sa mundo ng pulitika ang anak ni HS Martin dahil ang kanilang pamilya ay umiikot sa pulitika.


Wala pa namang kumpirmasyon mula kay Lahbati kung totoo nga ang tsika sa kanilang dalawa ni Marty. Sa ngayon ay tila patago pa lang daw kung magkita ang dalawang personalidad.


Anyway, bumabaha na ang komento sa FB sa bagong isyu ngayon kay Sarah.

May mali pa ngang post ang ibang socmed (social media) platforms. Anila, ang karelasyon ni Sarah ay si HS Martin Romualdez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page