top of page
Search
BULGAR

Misis ni Chiz, 'di dadalo… HEART AT PIA, PAREHONG INVITED SA VICTORIA SECRET SHOW

ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 15, 2024



Photo: Heart Evangelista at Pia Wurtzbach - Instagram


PAREHONG nagko-collect ng Labubu bag charm sina Marian Rivera at Heart Evangelista at pareho silang may partikular na Labubu bag charm. 


Kaya nang mag-post si Marian, napa-comment si Heart ng “Twins tayooooo, gandaaaaa,” na sinagot ni Marian ng emoticon.


Natuwa ang mga fans ng dalawa, patunay daw ito na okay na okay na silang dalawa. 

In fairness to Marian and Heart, nagkita na sila sa isang event at nagkayakapan at nagkakuwentuhan pa. 


Ang kulang na lang sa kanila ay magkita, mag-lunch or dinner at magkakuwentuhan nang walang ibang tao sa paligid.

Dahil sa comment ni Heart at nalaman na pareho silang collectors ng Labubu bag charm, may request na mag-collab sila sa video at ipakita ang kani-kanyang collection. 


Mas naunang nag-collect si Marian, pero si Heart, namakyaw at na-in love yata sa Labubu. Ang kulang na lang kay Heart ay mag-collect din ng Pop Mart dolls kung saan marami si Marian.


Samantala, tanong ng mga fans ni Heart, may sine-shade raw ba siya sa caption niya sa post nila ng photo ng fur baby niyang si Panda? 


Sabi kasi ni Heart, “I didn’t lie...  I said ILY (I love you) @pandaongpaucoescudero.”

Lumabas ang post na ito sa gitna ng isyu kung sino ba talaga sa kanila ni Pia Wurtzbach ang naunang inimbita sa Victoria’s Secret (VS) Fashion Show sa New York City at ngayon na ‘yun, October 15.


Nabanggit ni Heart that she declined the invitation dahil gusto niyang magpahinga after ng Milan at Paris Fashion Week. Saka, nag-birthday si Senate Pres. Chiz Escudero noong October 10 at mapapagod nga naman siya. 


Nagpo-promote pa siya ng docu series niyang Heart World (HW) na airing this October sa

GMA-7.


Si Pia, dadalo at nilinaw ng kampo nito na isa rin siya sa mga unang naimbita. Saka, comment ng Victoriassecretph, “We can’t wait!!!” 


Para wala nang isyu, pareho silang una sa listahan ng mga invited at nagkataon na hindi makakadalo si Heart. 


Magbubukas ng VS store sa bansa, abangan natin kung parehong invited at dadalo sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach. Baka naman magkrus na ang mga landas nila sa event at magbatian na sila.


 

Lalo na sa bilihan ng boto… 

MGA PULITIKO, SAPUL SA MOVIE NI MARIAN 


Marian Rivera sa pelikulang Balota

PULITIKO at tumatakbong mayor ang role ni Gardo Versoza sa Balota at ang description sa karakter niyang si ‘Edralin’ ay isang former sexy star running for mayor. 

Nakakatuwa na may ginamit na old photos niya sa old Seiko movies na pa-sexy pa ang kanyang role at sexy movies ang mga pelikulang ginagawa.


Well, ang husay ni Gardo lalo na sa eksenang hindi pinahawakan kay Marian Rivera ang expensive figurine na naka-display sa mansion niya. 


Nakakatawa pang lalo ang last scene niya na nakaupo sa wheelchair noong huhulihin na siya dahil nangyayari ito sa totoong buhay.


Eye-opener ang Balota at sa nangyayari sa pelikula ni Director Kip Oebanda na mga eksena, nakakatakot, pero alam mong totoo, pati ang bilihan ng boto na hindi itinatago at harap-harapan na ginagawa ng mga tauhan ng pulitiko. 


Curious kami kung ilang politicians ang manonood ng Balota kapag ipinalabas na. Nationwide ang showing nito, mas marami ang makakapanood. Maka-relate kaya sila?


 

Dumalo at kabilang sa nanguna sina Senator Bong Revilla at Congw. Lani Mercado sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Philsport Arena, Pasig City last Sunday (Oct. 13).


Sa kanyang Facebook (FB), ipinaliwanag ni Sen. Bong kung para saan ang BPSF, “Sa ngalan ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez ay atin pong pinangunahan ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) para sa mga haligi ng sining dito sa Philsport Arena, Pasig City- bilang suporta sa mga Alagad ng Pelikula, Telebisyon, at Radyo.


“Karangalan po nating maging bahagi ng makabuluhang programang ito, lalo pa’t sa pamamagitan nito ay nailapit ng ating pamahalaan ang mga serbisyo at benepisyo para sa industriyang napakalapit sa aking puso.


"Mabuhay ang Bagong Pilipinas! Mabuhay ang mamamayang Pilipino!”

Bukod kina Bong at Lani, present din sa BPSF sina Cong. Arjo Atayde, MMDA Chair Romando Artes, Cong. Franz Pumaren, DSWD Secretary Erwin Tulfo, FDCP Chair Jose Javier Reyes, former DILG Sec. Benhur Abalos at marami pang iba.


Magkatulong ang MMDA/MMFF, Mowelfund at DSWD para maging successful ang BPSF at matanggap ang tulong na ipinamahagi sa mga manggagawa sa pelikula, telebisyon, at radyo.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page