Misis ni Chiz, binigyan ng flowers… HEART KAY ALDEN: IBIGAY MO NA LANG ‘YAN SA IBANG BABAE
- BULGAR
- Feb 11
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 11, 2025
Advance birthday celebration ni Heart Evangelista sa All-Out Sundays (AOS) last Sunday, at 40 years old na siya sa February 14.
Pero wala talaga sa hitsura niya ang kanyang edad, kaya ‘yung sinabi nitong “I’m turning 40,” ayaw paniwalaan.
Mga comments na “40 never looked so good,” “OMG 14 or 40??? Lost in translation,” “You mean 14,” “Grabe, mas mukhang matanda pa ‘yung mga kilala kong Gen-Z labyu and happy birthday Ms. Heart,” at “She never gets old... so young my dear that’s the effect of a happy kind hearted person inside and out,” ang ilan sa mga mababasang comments, na totoo naman.
Pati mga taga-showbiz, nag-compliment sa pagiging batang tingnan ni Heart.
Ang iba, ang damit na suot ni Heart sa AOS ang pinag-interesan. Sino raw ang designer ng dress at bibili yata sila. Naka-tag sa post nito ang @maisonalaia, kaya malamang ito ang designer ng dress na suot ni Heart.
Bumalik lang yata si Heart ng bansa para sa guesting niya sa AOS at para sa birthday niya sa Feb. 14. Mas masaya pa rin kung kasama niya ang asawang si Senate President Chiz Escudero sa kaarawan niya at pagkatapos nito, lilipad uli siya for more fashion week.
Dahil pala sa kinantahan si Heart ni Alden Richards sa AOS last Sunday, marami ang nagre-request ng project ng dalawa sa GMA-7. Matagal nang dream ng aktor na makatrabaho si Heart, sana raw ay matupad na this year.
Nabiro pa pala ni Heart si Alden nang bigyan siya ng bouquet of flowers. May hawak nang isang bouquet si Heart, kaya ang sabi nito kay Alden Richards, ibigay na lang sa chosen one niya ang bouquet of flowers. Nagsigawan tuloy ang audience.
“BALDIVIA” pala ang apelyido nina Julia at Leon Barretto sa phone ni Dennis Padilla at nalaman ito nang i-post ni Dennis ang birthday greetings sa kanya ng dalawang anak.
Nakasulat ang “Julia Baldivia” at “Leon Baldivia” na totoong apelyido ni Dennis.
May nag-comment na dahil sa pagpo-post ni Dennis sa birthday greetings sa kanya nina Julia at Leon, hindi na uli magte-text sa kanya ang magkapatid. Dapat daw, ‘di na niya ipinost ang tungkol doon at baka ayaw ng magkapatid.
Ang daming nagtanggol kay Dennis at tama sila na natuwa lang ito dahil ngayon lang siya uli binati sa kanyang birthday ng mga anak. Hayaan na raw nila si Dennis and in fairness, hindi nito dinelete ang birthday greetings ng mga anak and for sure, inuulit sigurong basahin.
Marami ang nagpasalamat na okey na sina Dennis, Leon at Julia. May naghanap lang ng birthday greetings ni Claudia, isa pang anak na babae nina Dennis at Marjorie Barretto. Baka naman nag-greet din ito sa ama at nakiusap na huwag nang i-post ang kanyang greetings.
Whatever, basta masaya si Dennis na binati siya nina Julia at Leon. Sana nga, matuloy ang imbitasyon ni Dennis sa dalawa na mag-dinner sila minsan.
NAKAKATUWA sina Max Collins at Pancho Magno dahil friends talaga sila. Nag-post si Max ng photo ng first experience niya sa panonood ng basketball game sa New York City. Nag-comment si Pancho ng “Nice,” at sumagot si Max ng emoji.
For sure, nainggit si Pancho na nakapanood si Max ng basketball game ng Boston Celtics at New York Knicks. Si Gabby Eigenmann, naiyak sa inggit, pati ang iba pang fans ng dalawang teams.
Nasa New York si Max para sa New York Fashion Week at rumarampa rin siya gaya nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
It’s nice to know na nadaragdagan ang mga Filipino celebrities na uma-attend ng mga fashion week. So, far, wala pa kaming nabasang nega comments sa pagrampa ni Max.
Iniinggit din ni Max ang mga fans ng Wicked nang i-post niyang pinanood nila ang Broadway musical.
Sey niya, “Watched our first Broadway musical and we couldn’t be happier.”
Opmerkingen