top of page

Misis ni Chiz, bagong buhay na raw… HEART, TUMATANDA NA, PAGOD NANG RUMAMPA SA FASHION SHOWS ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 13, 2025



Heart Evangelista - IG

Photo: Heart Evangelista - IG



Bago pa nagpakasal ay may prenup agreement na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero kaya bukod ang pera at mga naipundar na properties ni Heart sa mga ari-arian nila ng senador (conjugal properties).


Milyones ang kinikita ng aktres-fashion icon sa kanyang mga paintings, product endorsements at sa kanyang pagrampa sa mga fashion events sa New York, Paris, at Milan, kaya afford ni Heart na bumili ng mga luxury items na gusto niya. 


Napakarami na niyang Hermès bags, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior at iba pang branded items Milyun-milyon din ang halaga ng kanyang mga alahas at koleksiyon ng relo.


Katwiran ni Heart, bale reward niya sa sarili ang mga luxury stuff na binibili niya, at deserve niyang maging masaya. 


Pero ngayong 40 years old na siya, naipangako ni Heart na babawasan na niya ang pagiging magastos. Hindi na siya magsa-shopping ng mga branded na gamit. Magiging wise at masinop na siya sa kanyang pera, magtitipid na siya at mag-iipon. 


Plano na rin ni Heart na hindi na gaanong rarampa sa mga fashion events sa New York at Paris dahil nakakaramdam na rin daw siya ng pagod. 


Well, at this point of her life, wala nang mahihiling pa si Heart Evangelista. Naabot na niya ang lahat ng kanyang pinapangarap sa buhay at happy naman ang kanyang love life.



Piktyur na naka-dirty finger daw sa Lupang Hinirang, inilabas… RAPPLER, NAGSORI SA FAKE NEWS KAY SEN. ROBIN



MASAMA ang loob ni Sen. Robin Padilla sa Rappler dahil sa isang hindi makatotohanang write-up (fake news) na tumuligsa sa kanya ng kawalang-respeto sa ating National Anthem. 


Diumano, nag-“dirty finger” sign si Sen. Padilla habang kumakanta ng Lupang Hinirang sa plenaryo.


Naglabas pa ang Rappler ng larawan na ipinakita ang diumano’y pagdi-dirty finger ng senador. Pero giit ni Sen. Padilla, kailanman ay hindi niya babastusin ang ating Pambansang Awit. Bilang Filipino, malaki ang respeto niya sa ating National Anthem.


Kung pagmamasdang mabuti ang kamay ni Sen. Robin Padilla na nakalagay sa kanyang dibdib, hindi ang hinlalaki o middle finger ang nakaturo paitaas. 

Sa relihiyong Islam, may kahulugan ang pagtaas ng hintuturo — pagbibigay-pugay at respeto kay Allah.


Kaya fake news ang isinulat ng Rappler tungkol sa “dirty finger” ni Sen. Robin. Mabuti na lamang at agad na nag-apologize ang pamunuan ng Rappler at inamin ang kanilang pagkakamali at pagkukulang. 


Tama lamang ang panawagan ng senador dahil malaking kasiraan sa kanyang pagkatao ang maling impormasyon na naisulat.



ESPESYAL ang episode ngayon ng Pepito Manaloto (PM) dahil magdiriwang si Chito (Jake Vargas) ng kanyang 30th birthday. May inihandang selebrasyon para sa kanya ang buong cast ng PM.


Fifteen years nang umeere ang comedy-drama serye at binatilyo pa lamang si Jake Vargas nang maging bahagi ng sitcom. 


Si Clarissa naman (Angel Satsumi) ay child star pa lamang noon at ngayon ay 20 years old na. Para nang tunay na magkapatid sina Jake at Angel. 


Solid ang samahan ng buong cast ng PM na kinabibilangan nina Michael V., Manilyn Reynes, Nova Villa, Ronnie Henares, Chariz Solomon, John Feir, Mosang, Arthur Solinap, Maureen Larrazabal atbp..


Malaki ang pasasalamat ni Jake sa PM at kay Michael V., lagi siyang pinapayuhan at binibigyan ng magagandang ideya para tumagal ang kanyang career. 


Nakita rin ng aktor ang pagiging professional sa trabaho ni Bitoy na nagsilbing inspirasyon niya para sundan ang yapak nito bilang comedy genius.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page