Misis ni Chito, bida-bida raw… NERI, NA-BASH SA "P1K WEEKLY MEAL PLAN" POST, BINURA NA
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 16, 2023

Nakatanggap nang katakut-takot na pamba-bash ang dating aktres at tinaguriang "Wais na Misis" na si Neri Naig dahil sa kanyang ibinahaging "P1K Weekly Meal Plan" sa social media para sa mga gaya niyang nanay na may mga anak na nag-aaral.
Caption ni Neri sa naturang post: "Eto na ang Neri's (sample) Weekly Meal Plan para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, paki-print na po eto, kumpleto pati palengke list.
"Nag-try akong mag-budget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa 'yan, puwedeng pandagdag-merienda o baon ng mga bata," pagtatapos niya.
Kung ang goal ni Neri ay makatulong at makapagbigay ng mga tips sa mga nanay kung paano pagkakasyahin ang P1K budget para sa pagkaing ihahain sa kani-kanilang pamilya, hindi naman naging ganu'n ang pagtingin ng mga netizens na nakabasa rito.
Hindi raw kasi makatotohanan ang ginawang weekly meal plan ng dating aktres lalo na sa panahon ngayon na patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin. Ang iba pa nga raw ay hirap na hirap nang i-budget ang P1K sa isang araw, tapos, gusto pa niyang paabutin ito ng isang linggo.
Kaya hinamon si Neri ng isang netizen, "Palengke reveal naman diyan!!! 'Yung kasya ang P1K for one week with sukli pa, ah!"
Tinawag pa nga ng ilan na bida-bida ang dating aktres at ayaw magpatalo kahit nagmumukha nang ewan basta't mag-trending lang daw kahit nakakahiya na. Out of touch din daw ito sa reality at trying hard na maka-relate sa mga pinagdaraanan ng mga simpleng mamamayan.
Dahil kaliwa't kanan na nga ang natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens, nagdesisyon na si Neri na depensahan ang sarili laban sa mga pinagsasabi sa kanya.
Ang mahabang mensahe at paliwanag niya, "P.S. Kayo talaga, kayo na nga ang binigyan ng "sample" at idea ng meal plan, 'yung mga 'di followers, makapag-bash lang. Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinasabi na MATUTONG MAGTANIM SA BAKURAN O SA PASO PARA MAKATIPID SA INGREDIENTS AT KUNG KAYA PANG MAG-ALAGA NG MGA MANOK PARA PALAGING MAY FRESH EGGS SA BAHAY.
"MALAKING TIPID PO 'YUN. DU'N N'YO KUNIN ANG INGREDIENTS. DEPENDE RIN PO KUNG GAANO KAYO KARAMI. MAIIBA SIYEMPRE ANG BUDGET N'YO KUNG 1-3 KATAO PER HOUSE AT KATAMTAMAN LANG ANG KAIN, KAYA 'YAN.
"KAILANGAN TALAGA MAY EXPLANATION AT DISCLAIMER AFTER. MARAMING PARAAN PARA MAKATIPID, UMPISAHAN NA PARA MAGING WAIS SA BUHAY. MASAYA 'YUN."
Pero, siyempre, hindi pa rin sang-ayon ang mga netizens sa naging explanation ni Neri dahil hindi raw lahat ng nanay ay katulad niya na maraming time para makapagtanim at mag-alaga ng mga hayop.
Sa sobrang busy daw ng ilang nanay ay hindi na sila magkandaugaga sa pag-aasikaso sa kani-kanilang asawa’t mga anak dahil bukod pa rito, sila rin ang responsable sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng tahanan.
Hindi raw ganu'n kadali ang pagtatanim dahil piling-gulay lang din daw ang puwedeng itanim sa paso at hindi lahat ng bahay ay may lugar para rito at magastos din daw ang mag-alaga ng mga hayop dahil marami ka ring kailangang bilhin para sa mga ito.
Kahit ano’ng gawing pagpapaliwanag ni Neri ay mukhang dedma na lang ang mga netizens dito dahil sarado na ang kanilang isipan. Kaya minabuti na lang nito na burahin na ang naturang post para matapos na ang diskusyon at hindi na humaba pa.
Pero, ang mister ni Neri at lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay hindi na nga nakapagpigil at dinepensahan na ang kanyang misis laban sa mga bashers sa socmed.
Inilabas ni Chito ang kanyang statement sa Instagram. Panimula nito, “Soon after, she told me that she wanted to make another meal plan, but this time, she’ll try to keep it under P1K. Soon enough, she was able to come up with one, and kahit madaling-araw na, she eagerly shared it with her followers (and again, madaming natuwa at nagpasalamat)… and since it was intended for those who already knew what she was doing, she made the crucial decision of not filling in the details.
It was soon picked up by those who knew nothing of what she was doing, and was instantly bashed for it.
“Grabe, ‘di ba? Naisip lang naman ng asawa ko na baka sakaling makatulong ‘yung meal plan niya sa mga tao that might find it useful, na-bash pa siya ng mga taong hindi naman nakasubaybay kung bakit ginagawa niya ‘yung meal plan. ‘Di bale, dinelete niya na po ‘yung post niya, and she will make it more detailed for those who do not fully understand what she was doing. What a cruel, cruel world.”
Mararamdaman nga sa pahayag ni Chito na nasaktan siya para sa kanyang misis na si Neri.
Ayan na naman po sila, kung ‘di kayo maka-relate sa mga ishinare na tips ni Neri, ibig sabihin lang nito, ‘di para sa inyo ‘yung post. Lahat na lang talaga ay ginagawang issue.
Tsk!





Comments