top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis ng singer, kumanta… APRIL BOY, SUSTENTADO BUWAN-BUWAN NI P-DIGONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 3, 2020




Kung hindi pa namatay si April Boy Regino, hindi pa malalaman na si Presidente Rodrigo Duterte ang tumutulong sa kanya at sa kanyang pamilya sa usaping pampinansiyal.


Ipinost ng asawa ni April Boy na si Madelyn Regino sa Facebook ang tungkol dito: “Maraming salamat sa aming mahal na mahal na Pangulong Duterte na mula noon hanggang sa huling laban ng buhay ng aking mahal na mahal na asawa, Idol April Boy Regino, ay hindi niya ito binitawan.


"Sa hindi po nakakaalam, si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan-buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol, simula pa nu'ng mayor pa lang siya hanggang sa naging president na siya.


"Gayundin sa aming mahal na Senator Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisimpatya sa fb, Messenger, celfone, YouTube, mga babasahin at sa iba’t ibang programa sa telebisyon at radio na binigyan siya ng tribute. Maraming salamat po.”


Sa nabasa naming FB post ni Madel, nakasulat na April 9, 1961 at hindi 1969 ipinanganak si April Boy, kaya 59 years old siya nang mamatay at hindi 51. Wala pang nakasulat na interment date ng iconic singer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page