Misis, kaya binubuwisit na lang… MISTER NI RUFA MAE, WA’ RAW PAMBAYAD SA DIVORCE
- BULGAR
- Jan 19
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 19, 2025
Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram
Nananatiling optimistic ang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto sa kabila ng kasong isinampa sa kanya na paglabag sa Sec. 8 ng Securities Regulation Code at sa hindi magandang relasyon nila ngayon ng estranged husband na si Trevor Magallanes.
Kahit may pinagdaraanan, very lovable pa rin si Peachy (pen name niya).
Komento ng mga netizens:
“Sana magkabalikan kayo. These days, ang bilis sumuko ng mag-asawa. Marriage is 90% commitment. Meron at meron talagang bagyo na darating sa buhay n’yo pero it doesn’t mean na it’s forever.”
“True! Sana hindi sumuko agad.”
May kontra rin naman:
“‘Di kayo ata updated sa mga messages ng lalaki kay Peachy. The guy is an absolute narcissist, some women are better off alone than to stay with someone who abuses them most especially mentally and emotionally.”
“Walang may gusto na mag-sacrifice sa kanila. Mas mabuti hiwalay na lang.”
“Si Rufa Mae, kahit may pinagdaraanan, light pa rin. Mabait talaga s’yang tao.”
“Walang nag-file ng divorce kasi walang pang-file si Trevor. Kaya ‘yun, binubuwisit na lang niya si Peachy para siya ang maunang mag-file at gumastos.”
“In short, puro dakdak lang pala asawa n’ya. Sabi ongoing na ang divorce, waley naman palang nag-file.”
“Waley pang-file or impulsive ang lalaki. In short, may pitik. ‘Di nag-iisip sa mga sinasabi.”
“Inspired by Rufa Mae’s humility and kindness.”
Ibinahagi ni Neil Arce ang nakakaaliw na conversation nila ni Barbie Imperial matapos mapanood ang panayam ni Ogie Diaz kay Richard Gutierrez.
Parehong napanood nina Neil at Barbie ang interbyu sa aktor ni Papa Ogs.
Sa unang pagkakataon, sinagot ni Richard ang tungkol sa kanila ni Barbie at sa paghihiwalay nila ni Sarah Lahbati, ang kanyang estranged wife.
Sa convo nina Neil at Barbie, nagbiro ang mister ni Angel Locsin, “Chardgel pa rin.”
Ang tinutukoy ni Neil ay ang tambalan ng misis niyang si Angel at ni Richard (Chardgel) sa mga sikat na teleserye noon ng GMA-7.
Sumang-ayon naman si Barbie at nagkomento na bagay na bagay talaga sina Angel at Richard.
Dagdag pa niya, kitang-kita ang grabe nilang chemistry na nagbigay-buhay sa kanilang mga iconic roles noon.
Matapos mapanood ang panayam kay Richard, nag-post si Neil na tila nagpabalik-tanaw sa mga fans sa tambalang Chardgel habang ipinapakita rin ang kanilang masayang bonding bilang magkakaibigan.
VERY proud si John Estrada sa anak nila ni Janice de Belen na si Kaila Estrada sa natanggap nitong award sa Chicago.
Si Kaila ang itinanghal na Best Supporting Actress dahil sa stellar performance nito sa TV series na Linlang.
Post ng aktor sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Soooo proud of you, my baby.”
Kalakip ang screenshot kung saan makikitang si Kaila ay recognized and awarded as the Best Supporting Actress.
It was awarded during the 2024 TAG Awards Chicago, an annual event organized by the Fil-Am community based in Chicago.
Comments