top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Misis at utol ng aktor… MAINE AT RIA, NAGDEDMAHAN DAW SA SCREENING NG MOVIE NI ARJO

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2026



SPECIAL - MAINE AT RIA, NAGDEDMAHAN DAW SA SCREENING NG MOVIE NI ARJO

Photo:IG Ria, Arjo at Maine



May nagpapakalat ng intrigang hindi raw nagpansinan ang misis ni Quezon City District 1 Congressman Arjo Atayde na si Maine Mendoza at ang sister ng aktor-pulitiko na si Ria Atayde sa ginanap na second screening ng Moonglow nu’ng Friday night sa Cinema 12, Gateway 2 Cineplex 18. 


Bahagi ang naturang movie na pinagbibidahan ni Cong. Arjo ng ginaganap ngayong QCinema Film Festival.


Bilang suporta sa aktor at sa leading lady niyang si Isabel Sandoval, dumating ang mga kapamilya ni Arjo. Bukod sa kanyang misis na si Maine, dumating ang Mommy Sylvia Sanchez niya, ang younger sis na si Ria na super-laki na nga ng tiyan dahil sa ipinagbubuntis na second baby nila ni Zanjoe Marudo, at gayundin si Gela Atayde kasama ang boyfriend na si Zaijian Jaranilla.


May nag-post ng video na dinaanan lang ni Ria sina Maine at Arjo at nag-conclude na agad na hindi nagpansinan ang mag-hipag.


Pero ayon sa isang vlogger na nakausap namin na nandu’n sa event, hindi totoong nagdedmahan sina Maine at Ria. Hindi lang daw nakunan ng camera ang pagbebeso-beso ng dalawa at ‘yung isang sandali lang na ‘yun ang pinick-up at ikinalat sa socmed.

Malinaw na sagot na rin ang muling pagsasama nina Arjo at Maine that night sa matagal nang haka-haka na hiwalay na ang dalawa dahil bihira silang makitang nagpo-post sa socmed na magkasama.


Kaya ‘wag nang intrigahin ang pamilya ni Ms. Ibyang dahil knowing her, hindi siya papayag na magkaroon ng isyu at problema ang mga anak niya. Siya na mismo ang tiyak na mag-aayos ng problema kung meron man.





Pinakamagandang regalo sa Pasko…

KIRAY, NANGANAK NA NG BABY BOY


WALANG pagsidlan ng kasiyahan

ang komedyana-aktres na si Kiray Celis at mister na si Stephan Estopia dahil sa pagdating ng kanilang bundle of joy bago pa mag-Pasko.


Nanganak na nga si Kiray at nakakatuwa na nai-document talaga ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay niya na ibinahagi rin niya sa kanyang mga fans at mga nagmamahal sa kanya thru her Instagram post.

Boy ang unang anak nina Kiray at Stephan, bagama’t hindi pa nila ipinakikita sa publiko ang face ng bagets.


“Magpa-Pasko at Bagong Taon na kasama ang pinakamagandang regalo galing kay Lord,” caption pa sa IG post ni Kiray.


Ang cute nu’ng part na ipinakita ang kamay ng kanilang baby na nakabukas na ang lahat ng daliri. ‘Di kami sure kung in-AI (artificial intelligence) lang ba ‘yun o totoo, pero kung true, naku, mukhang ngayon pa lang, may sign na ng pagiging bibo tulad ni Kiray ang kanilang first born.


Well, ano pa nga ba ang masasabi namin, CONGRATULATIONS to the new blessed parents!





O, s'ya, roon siya masaya dati, eh…

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, TIBO ANG UNANG DYOWA BAGO NAGKAANAK SA GUWAPONG AKTOR




  • BLIND ITEM


BLIND ITEM:

TIYAK na isang malaking dagok ang kakaharapin (o baka nga happening na?) ng sikat at byuting aktres dahil sa kinasasangkutang isyu ngayon ng kanyang pinakamamahal na mudrakels!


Heto na nga, umiikot na ang bagong pasabog sa showbiz na mula sa mga ‘underground’ Marites.


Kung akala nating tapos na ang kontrobersiya sa buhay ng A-list actress dahil tahimik ito ngayon after ng hiwalayan nila ng isang taong naging malapit sa kanya, well, well, well… hindi pala, mga beh!


Why, oh, why?! Eh, kasi nga, mismong kadugo at sariling ina niya ang nagdala sa kanya ng malaking problema!


Careless whisper (careless whisper daw, oh!) ng ating chikadorang source mula sa isang kilala at napaka-luxurious na casino resort sa Manila (na ang pangalan ay katunog ng solusyon sa mahal na Meralco bill, gets n’yo na?), suki pala roon si Madame Madir.

​At hindi lang basta palamig at casino-style dining ang ginagawa ni mudrakels, talagang addicted to the core na raw ito sa gambling!


Ang mas nakakaloka, mga beh, hindi lang pala simpleng sugal ang pinasok ni Madame Madir kaya ngayon, lubog na raw ito sa milyun-milyong utang!

​Oh, 'di ba?! MILLIONS OF PESOSESOSES! Nakaka-OMG levels, mga beh!



Ang tanong, alam na kaya ng sikat at byuting aktres ang kinasasangkutang problema ngayon ni Madame Madir, na ang chika pa ng aming source ay marami na nga raw naghahabol dito para singilin?


At kung alam na nga niya, hanggang kailan kaya niya sasaluhin ang problema ng kanyang mudrakels?


Nakakaawa naman ang sikat at byuting aktres, kayod-to-death simula bata pa mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, tapos ngayon, mukhang mauubos lang sa pagbabayad ng utang ni Madame Madir ang kanyang mga naipon sa ilang dekada niya sa showbiz.


Hayst! Parang pareho sila ng kapalaran nu’ng isang aktres na sariling kadugo rin ang naging malaking problema.


Ito naman kasing si mudrakels, be a good mom na lang sana, kaso ayun, natukso at ngayon nga, nalubog na sa utang.

Tsk, tsk, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page