top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Minero, patay sa isa pang landslide sa Davao de Oro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 20, 2024




Patay ang isang 23-anyos na minero sa isang landslide sa bayan ng Maragusan sa lalawigan ng Davao de Oro, na kasalukuyang nahaharap sa isa pang nakamamatay na landslide sa Monkayo na ikinamatay ng hindi bababa sa 10 katao.


Ayon sa Maragusan Public Information Office, naganap ang landslide sa Purok Bagong Silang sa Barangay Tandik.


Nagpapahinga ang biktima kasama ang apat na kasamahan na minero nang biglang gumuho ang lupa at siyang nagtakip sa kanya ng kahoy at putik.


Sa bayan ng Monkayo, inanunsiyo ng lokal na otoridad sa Sabado ng umaga na magpapatuloy ang operasyon para sa paghahanap at pag-rescue sa Barangay Mt. Diwata. Isa na lamang ang nawawala, ang 45-anyos na si Rommel Gumatin.


Narekober noong Biyernes ang mga bangkay ng tatlong iba pang biktima, kabilang na ang isang babae na nagligtas ng isang-taong gulang na sanggol nang maganap ang trahedya sa Purok 19, Pagasa, Barangay Mt. Diwata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page