Minahan ng ginto sa Sudan, nag-collapse, 38 patay

ni Jasmin Joy Evangelista | December 29, 2021

Patay ang 38 minero matapos mag-collapse ang isang minahan ng ginto sa Sudan nitong Martes ng gabi.
Naganap ang insidente malapit sa Nuhud, isang bayan na matatagpuan 500 kilometro sa kanlurang bahagi ng Khartoum, ayon kay Khaled Dahwa, head ng state-run Mineral Resources Company sa West Kordofan.
"Thirty-eight traditional miners were killed because of a mine collapsing," aniya, kung saan isa umano ang nakaligtas habang walo pa ang nawawala.
Sinabi rin ng isang opisyal ng kumpanya na mayroon ding 4 na minero na namatay sa nasabing minahan noong Enero.
"Authorities at the time shut down the mine and installed security but a couple of months ago they left," pahayag nito.
Ang Artisanal gold mining ay isang delikadong trabaho sa Sudan dahil sa marupok na mga imprastraktura.





Comments