top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Milyun-milyong US citizens, babakunahan ng COVID vaccine bago ang presidential elections, huwaw!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 4, 2020



Nasira ang websites ng ABS-CBN at GMA kahapon nang magkasabay.


Huh, praktis ba sa RevGov?


◘◘◘


Sa ilalim ng deklarasyon ng Martial Law noong Sept. 21, 1972, biglang nawala ang signal ng radio at telebisyon—sarado rin ang imprentahan ng mga diyaryo.


Ngayon, tiyak na ang internet ay ididispalinghado kapag may kudeta o pag-aagaw ng poder sa pamahalaan kasama na ang RevGov!


◘◘◘


Nakaakyat na sa Malacañang ang isyu sa RevGov.


Matagal nang kumikilos ang mga tao sa likod nito—pero inuna lang muna ang mga nasa ibaba.


Maaaring nakarating ang diskarte sa itaas!


◘◘◘


Nakadagdag-gulo sa COVID ang RevGov.


Dapat na maglabas ng opisyal na pahayag hinggil dito ang Malacañang!


◘◘◘


Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, mabuti ang kalusugan ni P-Digong.


Huh, bakit ang nagpahayag ay isang gabinete na walang kredibilidad?


◘◘◘


Negatibo sa COVID si ex-Mayor Antonio Sanchez.


Pwes, hindi pa siyang puwedeng maging “abo”, sa freezer muna siya!


◘◘◘


Ipagagamit at ituturok na sa milyun-milyong US citizens ang COVID vaccine sa Nobyembre 1, 2—araw bago ang presidential elections.


‘Yan ay araw ng mga “patay”, hindi araw ng mga “mamamatay”!


◘◘◘


Hindi nalalayo ang US elections sa Pilipinas, free vaccine ang pambibili ng boto.


Sa Pilipinas, PhilHealth cards ang ginamit kaya’t nagwagi ang isang Pangulo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page