Milyun-milyon ang jobless na Pinoy, tapos puro “Bello for senator”, buwisit!
- BULGAR

- Feb 9, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 9, 2021
WALA SANANG ASF ANG KARNENG BABOY AT BIRD FLU ANG KARNENG MANOK NA AANGKATIN SA CHINA—Ayon sa Department of Agriculture (DA), huwag mangamba ang mga mamimili kasi paparating na ang mga imported frozen meat.
Kung ang mga imported frozen meat ay sa China magmumula, dapat suriin itong mabuti ng gobyerno kasi last year ay nabalitang tinamaan ng African Swine Flu (ASF) ang mga baboy at tinamaan naman ng bird flu ang mga manok sa China.
Bad kasi sa health kapag may ASF ang karneng baboy at may bird flu naman ang karneng manok, period!
◘◘◘
DAPAT MAGPOKUS ANG DOLE SA PAGBIBIGAY NG WORK SA MGA NAWALAN JOBLESS, HINDI SA “BELLO FOR SENATOR”—Mismong si Sec. Silvestre “Bebot” Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagsabing mahigit 5 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho sa panahon ng COVD-19 pandemic.
Ang masaklap, imbes na ang mabasa sa mga balita ay kung paano gagawan ng paraan ng DOLE na mabigyan ng hanapbuhay ang mga nawalan ng trabaho, eh, ang nabalita ay isa pala si Bello sa nais isama ni P-Duterte sa senatorial line-up ng PDP-Laban sa eleksiyon sa 2022, buwisit!
◘◘◘
SA DAMI NG NAWALAN NG WORK, NAGHIHIRAP AT NAGUGUTOM, SARAP-BUHAY SI ROQUE SA BORACAY—Matapos sabihan ni Presidential spokesman Harry Roque ang mga kritiko ni P-Duterte nang “manigas kayong lahat”, nagtungo ito sa Boracay Island para magliw-aliw.
Mantakin ninyo, ang daming nawalan ng work, naghihirap, nagugutom sa panahon ng pandemya, tapos may mga gov’t. official na tulad ni Roque na pabaka-bakasyon lang sa Boracay, nagpapasarap sa buhay, pwe!





Comments