top of page

Milyones, nasaid nang matalong senador? WILLIE, NAGSAWA NA SA PAGTULONG, DEDMA SA MGA BIKTIMA NG BAGYO AT BAHA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 27, 2025



Photo File: Willie Revillame - Will To Win


Maraming lugar ang binaha nang humagupit ang Bagyong Crising na may kasama pang habagat. Marami sa mga nawalan ng tirahan ay nanawagan ng tulong. Kani-kanyang kilos ang mga ahensiya ng gobyerno at marami ring celebrities at pulitiko ang nagpadala ng tulong, lalo na sa mga evacuation centers.


Kapag may kalamidad na dumarating sa ‘Pinas, naaalala ng marami ang comedian-TV host na si Willie Revillame. Madalas ay siya ang nangunguna sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at baha. Milyun-milyon ang kanyang donasyon upang makatulong.


Pero sa nagdaang bagyo na napakalawak ng napinsala, dedma at nananahimik si Willie Revillame. Hindi siya nagpapakita at hindi nagpaparamdam maging sa social media. Hinahanap na siya ng mga netizens na humihingi ng tulong dahil nasalanta ng bagyo. 

Tanong tuloy ng mga netizens, nasaid na ba ang milyones na yaman ni Revillame nang siya ay kumandidatong senador? O baka nagsawa na siya sa pagtulong sa mahihirap?



AMINADO si Dennis Trillo na may pressure ang pagkakapanalo niya ng Best Actor via his role sa pelikulang Green Bones (GB). Kinilala siya at pinarangalan sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 at sa ginanap na 8th EDDYS Awards. 


Malaki ang expectation ng lahat na mapapantayan ng GB ang mga susunod na pelikulang gagawin ni Dennis.


Kaya naman, hindi kinonsidera ng aktor ang tumanggap ng movie na isasali sa MMFF 2025. Gusto ni Dennis na mabigyan niya ng sapat na panahon ang susunod niyang movie project. 


Ang GB ay hindi minadaling tapusin, kaya naibigay niya ang kanyang full concentration sa kanyang role.


At this point of his career, maingat na rin si Dennis sa mga projects na kanyang tatanggapin. Hindi lang ang talent fee (TF) ang kanyang prayoridad. 


At gusto rin niyang makatrabaho ang ilan sa magagaling na aktor tulad nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. 


Bilang Best Actor awardee, deserve naman ni Dennis Trillo na makasama ang magagaling na aktor sa showbiz.


Oks lang daw kahit extra lang… 

MARIS, GUSTONG MAGING HOLLYWOOD STAR


NGAYONG sikat na siya at nagbida na sa pelikula, may isa pang pangarap si Maris Racal na gusto niyang matupad balang-araw. 


Gusto niyang pasukin ang Hollywood at makasama ang ilang mga Hollywood stars. Okey lang daw kahit na extra lang ang kanyang role.


Kasama sa kanyang bucketlist ang magkaroon ng break-exposure sa Hollywood, kaya nagpupursige si Maris Racal sa kanyang career. Ginagalingan niya ang pag-arte sa bawat role na kanyang ginagampanan. 


Maganda ang feedback sa kanyang pagganap sa Incognito, at marami siyang pinahanga sa kanyang role sa pelikulang Sunshine.


Kailangan lang niya ng isang matinding pelikula at exposure upang mapansin siya sa Hollywood. 


At dahil pursigido si Maris Racal sa kanyang pangarap, posibleng maabot niya ito.


Ibang-iba sa hitsura nu’ng co-host pa lang ni Willie… SUGAR, GUMANDA, KUMINIS AT YAYAMANIN NA


ANG laki ng ipinagbago ng personalidad ngayon ni Sugar Mercado. Marami ang nagulat sa kanyang transformation. 


Ibang-iba siya noong nagko-co-host lang sa programang Wil To Win (WTW) ni Willie Revillame. Simpleng-simple lang siya noon.


Ngayon, gumanda ito at kuminis ang kutis. Mukha na siyang yayamanin at sosyal na ang aura. 


Ibang Sugar Mercado na ang napapanood sa kanyang vlogs, punumpuno ng self-confidence at malakas ang karisma.


Marami tuloy ang nagtatanong kung tuloy pa ba ang relasyon nila ni Willie Revillame. Balita rin na may negosyo si Sugar Mercado na ang produktong ibinebenta ay mga pampaganda.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page