top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Middle class, isama na rin sa Pantawid Pasada Program

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2023
1 min read

@Editorial | September 20, 2023


Ipinaliwanag ng isang mambabatas na hindi lamang ang pinakamahihirap ang dapat mabenepisyuhan ng Pantawid Pasada Program ng pamahalaan, kundi maging ang middle class na apektado rin ng patuloy na taas-presyo ng petrolyo.


Marami sa middle class ang bumibili ng sasakyan dahil sa public transportation na hindi komportable at ‘di episyente.


Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, tinutukoy ng gobyerno ang middle class bilang mga indibidwal na may kita na dalawa hanggang 12 beses na mas mataas sa poverty line, o halos P24,000 at P145,000 na family income.

Matatandaang inaprubahan ng Department of Budget and Management ang paglalabas ng P3 billion fuel subsidy para sa 1.36 milyong drivers sa buong bansa.


Kung hindi kayang itigil ang fuel excise tax, maaaring palawakin ang sektor ng mga dapat makatanggap ng ayuda. Bagama’t ang dapat pa ring unahin ay ang mga higit na nangangailangan.


At dahil hanggang Disyembre pa ang nangyayaring taas-presyo sa petrolyo, sabi nga ng gobyerno, kailangang maging wais ang mga motorista. Kumbaga, tayo na rin ang umisip at gumawa ng paraan kung paano makakatipid.


Gayunman, umaasa tayo na mas magiging masigasig at hindi lang basta nganga ang mga opisyal, kailangang mas kumilos at umaksyon para sa mga posibleng solusyon o alternatibong paraan upang makasabay sa taas-presyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page