top of page

Miami, kampeon sa FIBA 3x3 World Tour Cebu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 27, 2023


ree

Tunay na nasa kapalaran ng Miami na maiuwi ang kampeonato sa 2023 FIBA3x3 World Tour Cebu Masters Linggo ng gabi sa SM Seaside City. Sa likod ni MVP Jimmer Fredette, pinabagsak ng mga Amerikano ang hamon ng Vienna ng Austria, 22-19, at walisin ang kanilang limang laro.


Binubuo ng eksaktong apat na pambansang koponan na pumangalawa sa Serbia sa 2023 FIBA3x3 World Cup noong Hunyo, isinalba sila ng dating NBA player Fredette na winakasan ang laro sa kanyang 2-points na may 46 segundong nalalabi at ibulsa ang $40,000 (P2.27 milyon). Ang iba pang kasapi ng kampeon ay sina Kareem Maddox, Dylan Travis at Canyon Barry na anak ng NBA alamat na si Rick Barry.


Patungo sa korona, nakaganti kahit paano ang Miami sa Ub Huishan NE sa semifinals, 21-13. Karamihan ng Ub ay kumatawan din sa kampeon na Serbia sa nakalipas na World Cup.


Sa quarterfinals, nagtrabaho ng husto ang Miami upang pauwiin ang San Juan ng Puerto Rico, 21-17. Nagwagi ang mga Amerikano sa group stage sa Lubao MCFASolver ng Pilipinas, 22-15, at Ulaanbaatar MMC Energy ng Mongolia, 21-18.


Sa Slam Dunk Contest bago ang finals, nanaig si Rafal “Lipek” Lipinski ng Poland kontra kay Pinoy David Carlos. Nag-uwi ang kampeon ng $4,000 (P227,048).

Samantala, nagkakasundo ang numero unong Pinoy 3x3 player Mark Jayven Tallo at Coach Chico Lanete na malaki ang maiitulong ng pagtapos ng ika-walo ang Manila Chooks sa Cebu Masters. Mahigit na isang taon na hindi nakakatikim ang mga koponan ng Chooks sa World Tour at gusto nila na dalhin ang positibong pakiramdam sa mga susunod nilang torneo tulad ng Al Bidda Park Challenger sa Qatar sa Oktubre 17 at 18 at Abu Dhabi Masters sa Oktubre sa Oktubre 28 at 29.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page