top of page
Herlene Budol - IG.jpg

Mga yumao, 'wag gawing AI avatar — Cardinal David

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 2, 2026



Cardinal Pablo VIrgilio David - Circulated - CBCP

Photo: File / Cardinal Pablo VIrgilio David - Circulated - CBCP



Nagbabala si Cardinal Pablo Virgilio David laban sa paggamit ng artificial intelligence (AI) upang muling likhain ang hitsura at boses ng mga yumaong mahal sa buhay, na maaari umanong magbigay ng ilusyon na buhay pa ang mga ito.


Binanggit ng cardinal ang mga funeral service provider sa United States na nag-aalok ng tinatawag na “AI Afterlife” services. 


Gumagamit ang teknolohiyang ito ng mga litrato, video, voice recording, talaarawan at iba pang personal na datos upang makalikha ng digital na bersiyon ng isang namatay na tao.


Sa pamamagitan ng AI-generated avatars, maaari umanong tawagin ng mga ito sa pangalan ang mga naulilang kapamilya at sagutin ang kanilang mga tanong, na nagbibigay ng impresyong naroroon pa rin ang kanilang yumaong mahal sa buhay.


“But here’s what troubles me: Are we preserving the memory of our loved ones, or creating an illusion that they have never really died? Could this technology help us grieve—or prevent us from learning to let go?” tanong ni David.


Bagama't kinikilala niyang maaaring makapagbigay ng kaaliwan ang teknolohiya sa ilang pamilya, nagbabala ang cardinal laban sa pagkalito sa pagitan ng digital simulation at ng mismong taong ginagaya nito.


“An AI avatar is not the departed person,” diin niya.

“It is a machine generating responses from data.”


Binigyang-diin ng cardinal ang pagkakaiba ng pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay at ang paglikha ng digital na representasyon na maaaring magbigay ng maling impresyon tungkol sa kanilang presensya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page