top of page
Gary V. - IG.jpg

Mga walang ‘K’ sa serbisyo publiko, layas!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2024
1 min read

@Editorial | Enero 30, 2024


Sa gitna ng ingay at mas umiinit na bangayan sa pagitan ng mga pulitiko, huwag naman sanang maapektuhan ang pagbibigay ng serbisyo publiko.


Magkawatak-watak man ang mga magkakapartido sa pulitika, hindi dapat matigil ang trabaho sa gobyerno.


Kamakalawa lang nang banggitin ng Pangulo ang kanyang mga tagubilin sa mga naglilingkod sa pamahalaan. Kabilang sa mga ito ang bawal ang mapang-api at naghahari-harian. Bilang mga kawani ng gobyerno, tayo ay lingkod ng mamamayan at hindi panginoon. Huwag pahirapan ang taumbayan sa halip, suklian ang kanilang tiwala. 


‘Yung mga masusungit at parang laging galit, ‘di dapat nabibigyan ng trabaho sa anumang ahensya ng pamahalaan. 


Bilang public servant, sana’y isapuso natin ang ating trabaho, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa publiko, napakasarap sa pakiramdam na nagiging bahagi tayo sa pagtugon sa problema at pangangailangan ng ating kapwa.


Sa totoo lang, madalas, ang mga kawani ay maituturing na mas may silbi kesa sa mga halal na opisyal. May iba na pumapasok lang sa gobyerno para maging pulitiko, para sa kapangyarihan at yaman. Habang ang mga empleyado na inaabot na ng pagreretiro ay nananatiling tapat at maaasahan sa serbisyo.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page