Mga wala pang 1-taon-gulang… 1M batang Pinoy, ‘di pa bakunado laban sa mga maiiwasang sakit — DOH
ni Lolet Abania | September 12, 2022

Nasa tinatayang 1 milyong kabataang Pilipino na wala pang edad 1, ang hindi pa nakatanggap ng anumang vaccine laban sa mga sakit, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kung ang mga nasabing bata ay hindi mai-immunize, isang measles outbreak ang posibleng mangyari.
“During this pandemic period that we had, we now have around 1 million children less than one year old, who are unvaccinated in the country,” pahayag ni Vergeire sa House Committee on Appropriations sa ginanap na deliberasyon ng proposed budget para sa 2023 ng DOH ngayong Lunes.
Ayon kay Vergeire, ang Pilipinas ay isa sa 10 mga bansa na may pinakamababang immunization rate ng mga bata sa buong mundo.
“Mayroon din pong impending measles outbreak kung hindi po natin mapunan ‘yung pangangailangan ng mga bata ngayon,” sabi ni Vergeire.
Binanggit naman ng opisyal na ang workforce mula sa mga health workers ay hinati sa pagitan ng COVID-19 at regular na mga programa ng DOH.
“We have already identified strategies, like supplemental immunization activities. We have harnessed the cooperation of our medical societies, medical pediatric society,” saad pa ni Vergeire.





Comments