Mga unibersidad at kolehiyo, ready na sa full F2F classes – CHED
ni Lolet Abania | August 2, 2022

Inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Martes na halos lahat na ng universities at colleges ang nagpahayag ng kahandaan para sa implementasyon ng full face-to-face classes ngayong academic year.
Sa isang public briefing, sinabi ni CHED chairperson Prospero de Vera III, na ang mga paaralan lamang na mayroon at ginagawa na ang distance learning bago pa ang COVID-19 pandemic na tumama sa bansa ang gagamit ng ganitong mode.
“Halos lahat (ay magface-to-face classes na), kasi ang definition namin sa CHED ng residential (course) ay puwede kang magdagdag ng components na gagawin ng mga estudyante outside the classroom up to 25% noong laman ng syllabus,” saad ni De Vera.
“May mga schools na meron silang component ng kanilang syllabus na ibibigay pa rin online but basically face-to-face ang mode of instruction,” dagdag niya.
Ayon pa kay De Vera, marami nang eskuwelahan ang nagsagawa ng face-to-face activities gaya ng graduation ceremonies at sports events.
Unang sinabi ni De Vera na hindi maaaring i-require sa mga colleges at universities na i-impose ang full implementation ng face-to-face classes dahil ikinokonsidera nila na ang mga paaralan ay may mga magkakaibang programa at curriculum.





Comments