top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga um-attend sa political rally, gusto ring ipa-recount, onli in da Pilipins!

BULGAR
Apr 26, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 26, 2022


FAKE NEWS ANG IDINADALDAL NI ISKO NA 3 SILA NINA VP LENI AT BBM MAGLALABAN SA PAGKA-PRESIDENTE – Fake news ang idinadaldal ni presidential candidate, Mayor Isko Moreno na tatlo silang presidentiables, kasama sina Vice Pres. Leni Robredo at former Sen. Bongbong Marcos ang maglalaban-laban na lang sa pagka-presidente ng bansa.


Napakarami na kasing political analyst ang nagsabi, na ang labanan sa pagka-presidente ay nasa pagitan na lang nina VP Leni at BBM (Bongbong Marcos).


Kulang na lang sabihin ng mga political analyst kay Yorme na huwag na siyang mangarap na magiging presidente kasi wala talaga siyang kapag-a-pag-asa na maging next president ng 'Pinas, period!


◘◘◘


IMBES MADAGDAGAN, NABABAWASAN PA NG SUPPORTERS SI YORME – Sa totoo lang ay wala na talagang laban sa pagka-presidente si Isko, kasi ang mga dati niyang tagasuporta ay naglipatan na ng suporta kay VP Leni.


'Ika nga, na noong nakasuporta pa sa kanya ang iba't ibang organisasyon ay rank 3 lang siya lagi sa mga survey, eh mas lalo na siya ngayon napag-iwanan, kasi imbes madagdagan ang puwersa ng kanyang mga tagasuporta, ay nababawasan pa, boom!


◘◘◘


SA IBANG BANSA PLATAPORMA BASEHAN PARA MANALO ANG KANDIDATO, SA 'PINAS GINAGAWANG BASEHAN DAMI NG MGA TAONG DUMADALO SA POLITICAL RALLY – Sa 'Pinas, hindi lang ang recount sa election ang uso, kasi pati dami ng taong dumadalo sa mga political rally ay pinari-recount na rin.


Onli in da 'Pinas lang ang ganyan, kasi sa ibang bansa ay hindi sa dami ng taong dumadalo sa political rally ang basehan ng mga botante para magwagi ang isang presidential o vice presidential candidate, kundi ang plataporma ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente, period!


◘◘◘


NOON PANIWALANG-PANIWALA SINA PANELO, ROQUE AT GRECO SA MGA SURVEY, PERO NGAYON AYAW NA NILANG MANIWALA – Noong hindi pa sila nagri-resign sa Duterte cabinet, paniwalang-paniwala sina former Presidential legal Counsel Salvador Panelo, former Presidential spokesman Harry Roque at former Anti-Corruption Chairman Greco Belgica sa mga survey patungkol sa mataas na rating ni P-Duterte, pero ngayong sila ay mga kandidato na for senators at lagi silang kulelat sa mga survey, ay ayaw na nilang maniwala sa mga survey, fake daw.


Ganyan ka-ipokrito ang tatlong dating tauhang ito ni P-Duterte, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page